Chapter 52
Truth
"Hindi ako makapaniwalang sinampal niya ako, Kath. Parang dahil lang sa isang lalaki, mawawala na agad yung binuo naming pagkakaibigan." Nandito kami ni Kath sa field. Tapos na ang klase namin. Napagdesisyunan kong hindi mo na ako sumabay ngayon kay Elijah. Kailangan ko lang ilabas 'tong saloobin ko.
"Alam mo, naiintindihan ko siya...kailangan niyo lang talagang pag-usapan ng maayos. Mag-usap kayo kung wala na siyang kinikimkim sayo. I know mawawala din yang galit niya. My God ilang taon na kayong magkakaibigan. Imposibleng magalit siya sayo ng ganung dahilan lang." aniya
Niyaya ko siyang bumili kami ng pagkain sa labas. Alas quatro na at nandito pa din kami sa school, medyo kaunti nalang din ang mga estudyante. Gusto ko lang munang mag-stay dito sa school. Nilibre ko si Kath ng sampung pisong kikiam at bumili din kami ng maiinom. Pagtapos naming bumili ay bumalik din kami sa field.
"Ano? Pagtapos neto uwi na ako huh? May assignment kasi ako sa isa kong subject at kailangan ko yung tapusin." aniya
Tumango naman ako. Ako din, may kailangan din akong tapusin pero nakakatawang eto ako ngayon. Bigla kong niyakap si Kath kaya nagulat naman siya sa ginawa ko. Mukang naintindihan niya naman ako kaya niyakap niya din ako pabalik.
"Maayos din ang lahat...hindi lang ngayon, may takdang panahon para diyan."
"When will it be? Kung kailan huli na ang lahat?"
"No. Maghintay ka, Elisha..magpakatatag ka. Patience is a virtue diba nga?" Tumawa siya ng mahina.
Pagtapos naming kainin ang lahat ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pumara ako ng jeep at agad akong sumakay. Pagkaupo ko ay may naramdaman kong may naipit ako na ano. Masikip na kasi sa loob at nakakatawang pinagsiksikan ko pa ang aking sarili.
"Sorry miss..." sambit ko
"It's okay..wait, did we already met?" tanong niya
Napatingin naman ako sa kanya at laking gulat ko nang napagtanto kung sino ang kasabay ko ngayon.
"Hey! Ako nga pala yung ate ni Lester. Cassey." aniya
Talaga nga naman.
"Uh...hello! Sorry hindi kita nakilala. Uhm, bakit ka nag-cocommute? Wala ka bang sasakyan?"
Humagalpak naman siya sa tawa. "Meron, dear. Nasira lang kasi yung makina kaya nagcommute ako ngayon. E yung kapatid ko namang sira, e ayaw akong pahiramin ng sasakyan. Ni ayaw niyang sunduin ako! Nakakainis yun!"
Ako naman ngayon ang tumawa. Seryoso?
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...