Chapter 47

67 1 0
                                    


Chapter 47


May nararamdaman


Monday morning. Were planning for our booth. Next week na ang Foundation Day namin. "What's the theme for our booth?" tanong nung isa naming kagrupo 


"Syempre parang romance 'yon!" sagot naman nung isa


Abala ako sa pagdo-drawing kung ano ang magiging output ng booth namin. Ang iba naman ay nagreready sa materials at ang iba ay nag-iisip ng theme. Nang natapos na ako sa aking pinaghirapan, agad kong pinakita iyon kay ate Dana. "Wow! Hindi ko alam na marunong ka pala mag-drawing. Dapat nag Architecture ka nalang..." Napangiti lang ako sa sinabi niya. Although, hindi ko type ang pag-drawing, pero hindi sa pagmamayabang may kagalingan din ako pagdating 'don.


Inirapan ko nalang ang paparating na grupo nila Lester. Umalis agad ako don at tinulungan ang iba kong kagrupo. I explained to them kung ano ang magiging output ng booth. Sinang-ayunan naman nila ako at agad silang kumilos. I helped Kath to paint the other materials. 


Habang nagpipinta ako, hindi makatakas ang mga tengga ko sa mga naririnig. "Anong gagawin ko?" Lester asked


He seems to be closed kay ate Dana, malamang Elisha! Maaaring magka-blockmate sila. What the hell? Ano bang pinag-iisip mo? Just continue what you're doing! "Okay ka lang, Elisha?" tanong ni Kath


Hay naku! Pati kaibigan mo iniisip na siguro na baliw ka! "Yeah, may sumagi lang sa isipan ko." I smiled making her sure that I'm okay. 


Pinagpatuloy lang namin kung ano ang gagawin namin. And afterwards, nagbreak muna kami. Masyado ding nakakapagod ang mga ginawa namin. Niyaya ko si Kath na kumain kami sa field, since, mas maganda ang ambience 'don. Sa gym kasi kami gumawa kanina kaya ayan tuloy tagaktak na ako ng pawis sa likod. 


I ordered hamburger and a bottle of soda, ganon din si Kath. "Ang galing! Na-approve agad yung idea mo. Did you know? Nakanganga lang sayo yung mga *ehem* ex friends mo nung friday ah." Naisip ko tuloy ang mga reaksyon nila 'non. Hindi ko alam na ganun pala ang reaksyon nila dahil ni isa wala akong tiningnan 'non. 


Nang natapos na kami kumain, back to work. We started building our booth, hanggang ayon lang muna ang gagawin namin. May apat na araw pa kami para tapusin ito. 



The next day. Tuesday na. Ang bilis ng araw, kapag marami kang ginagawa hindi mo na namamalayan. We started earlier dahil bibili pa kami ng mga materials para sa decoration ng aming booth. Sa ngayon, finishing lang ng aming pagtatayo at pagpipinta. Then bukas, we will start decorating. All of us are cooperating, even Lester's friends. Nagpapasalamat nalang ako sa himala dahil sa mga ginagawa nila.


After our break, back to work again. Medyo mahirap ang pagfifinishing neto dahil kahapon medyo hindi maganda yung nagawa nung isa naming kagrupo.Kahit ganon, natapos pa din namin. Masaya akong umuwi nang gabing iyon. Although, nagagawa ko ng iwasan si Lester, pero may mga oras na dapat kaming mag-usap and I really hate that part. 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now