Chapter 58
Leave
Sunod na araw ay mabuti na ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako. Nasa kotse pa lang ako at excited na akong pumasok agad. Hindi ko inalintana ang nangyari noong Monday. Tinawagan ko si Kath para sabihing makakapasok na ako. Maging siya ay tuwang tuwa kaya susunduin niya daw ako sa gate.
Pagdating namin sa tapat ng eskuwelahan ay wala akong nakitang Kath. Nagpaalam na ako kay Elijah at naghiwalay na kami ng landas. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin sa likuran.
"I miss you, Elisha! Kahit isang araw lang kitang hindi nakita! Congrats nga pala!"
"I miss you din! Tara, manlilibre ako ngayon!" Sabay kaming natawa siguro na rin ay sa sayang nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nasa Dean's List ako.
Gaya nga ng sinabi ko, nilibre ko si Kath sa cafeteria. Alam kong maaga pa para manlibre pero okay na rin yun dahil walang katao tao sa cafeteria. Masaya akong naglakad kasama si Kath, hindi pa din nakakatakas sa mga tengga ko ang naririnig.
"Nasa Dean's List lang, yumabang agad."
"Tss. Malandi pa din siya.."
"Bakit kaya wala siyang kalandian ngayon?"
"Mukhang natakot kahapon kaya nagabsent!"
Lumingon ako sa mga nakakasalubong ko at nginitian sila. Wala akong pake kung kamuhian nila ako dahil wala silang alam sa nangyayari. Dire diretso lang kami ni Kath sa cafeteria. Nilibre ko siya ng light meal lang dahil umaga pa lang ngayon. Humanap kami ng mauupuan para makapagkuwentuhan saglit.
"Hay! Kung hindi nga lang masama manapak ng tao, baka dati pa sila nasa hospital ngayon." ani ni Kath
Natawa naman ako sa sinabi niya. Likas na sa kanya ang pagiging matapang, hindi niya lang magawang patulan sila dahil may batas sa school na 'to. Hindi lang suspension dahil bawas din yun sa grades mo. Nagiingat lang si Kath at baka bumaba ang grades niya.
"Ikaw naman! Parang hindi ka na nasanay sa kanila. Ganyan sila palagi, hanggang hindi nila nalalaman ang katotohanan patuloy ka nilang huhusgahan. Manahimik ka nalang para walang mangyaring masama." sambit ko
"Tama! Teka, nakita mo ba si Dylan? Hindi ko siya nakita kahapon e."
Natawa ako sa sinabi ni Kath. Wala nga ako dito kahapon at kakarating ko lang ngayon at tinatanong niya sa akin si Dylan? Yung totoo? May gusto ba 'tong babaeng 'to kay Dylan? Magkaibigan kami ni Kath pero hindi siya nagkukuwento tungkol sa lovelife niya.
"Bakit? Crush mo ba? Bakit mo laging hinahanap? Yie!" inasar ko siya kay Dylan
YOU ARE READING
Heartless Guy
JugendliteraturLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...