Epilogue

147 3 0
                                    


Epilogue


"Dalian mo na, anak! Baka malate ka pa!" sigaw sa akin ni Mom


April 1, 2017 


Ngayon na ang araw kung kailan ako gagraduate bilang senior high school. Nakakatuwang isang taon nanaman ang natapos ko sa pagaaral. At take note, nasa dean's list pa ako kaya sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. 


"Opo! Nagkukulot pa ako ng buhok ko, Mom! Sandali na lang," wika ko


Nasa harap ako ng aking salamin at nagkukulot ng buhok. Tapos na ako magbihis ng uniform namin at tapos na din ako magmake up. Pagtapos ng ilang minuto ay natapos na din ako sa pagkukulot ng buhok ko. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe kay Lester.


Me: See you later, love! :) Can't wait to see you..


Ang corny pero kinikilig ako sa sinabi ko. Tss. Ganyan talaga kapag inlove, pagbigyan niyo na. Bumaba na ako para salubungin sila Mom and Dad. Bukas pa ang graduation ng mga grade 10 kaya nauna ako kay Elijah grumaduate. Mas bongga at pinaghandaan kasi yung sa kanila. 


"Wow! You're so beautiful, anak. Congratulations!" Inalalayan ako ni Elijah pababa. Niyakap ko naman si Mom at nagpasalamat sa puri niya. Niyakap ko din si Dad at pinuri niya din ako. 


"Tss. Mana yan sa akin, Mom! Valedictorian kaya ako!" pagmamaktol ng kambal ko


"Weh! Edi ikaw na!" Nagtawanan kaming lahat. Hindi makakarating si kuya ngayon dahil may duty siya. Pero nag promise siya na sasama siya mamaya para icelebrate ang 'pag graduate ko. 


"Let's go, may labing limang minuto nalang tayo," sambit ni Dad


"Naku! Ang alaga ko," nilingon ko si manang 


"Hahaha! Gagraduate lang po ako bilang senior high, manang.." biro ko


"Kahit na hija, congratulations sa inyo ng kapatid mo." aniya


Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat. Pagsakay namin ng kotse ay siyang 'pag tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakitang tumatawag sa akin si Kath.


"Hi Kath! Ano, nandiyan ka na ba? Congrats nga pala!" I giggled.


["Oo, nandito na ako! Hahaha! Medyo malelate ata ang start..pero bilisan mo pa rin! Congrats din! At lalo na sayo, dean's list ka.."]


"Salamat, nandito pa lang kami palabas ng village namin malapit na kami diyan, wait ka lang.." sabay kaming tumawa


["For sure, matutuwa ang BOYFRIEND mo niyan! Nakakakilig talaga kayo! Akalain mo yun? Kayo din pala ang magkakatuluyan sa huli? Naks,"]


Heartless GuyWhere stories live. Discover now