Chapter 46

63 0 0
                                        


Chapter 46


Avoid


Umalis na ako pagtapos, hindi ko na kayang harapin si Amari. Although, hindi niya naman binanggit sa akin kung bati na ba kami. Ewan ko, bahala na! Lumabas na ako ng college department at dumiretso na sa labas at namataan ko agad si Elijah na naghihintay sa akin.


"Let's go?" aya niya


Tumango ako as my response. Tulala akong pumasok sa loob ng kotse at nag-iisip ng malalim.


Yes, I've known Amari for years. Ang hindi ko lang maintindihan, ay ang mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko maintindihan ang kanyang ipinapahiwatig sa akin. Tanggap ko pang sinabi ni Lester kay Amari na lumayo siya sa akin. Pero ang malamang nagsisinungaling ang isa sa matalik kong kaibigan ay hindi katanggap-tanggap para sa akin.


Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.


"You okay?" Elijah held my shoulder. 


I'm trying to be okay, pero hindi nakatakas sa kanyang paningin ang  luhang nagbabadyang lumabas sa aking mata. Elijah hugged me tight. Eto. Eto ang kailangan ko ngayon. A warm hug.


"Y-yes.." Mukang hindi ata natinag si Elijah sa sagot ko kaya mas lalo niya akong niyakap mahigpit. 


"What happened?" nag-aalala niyang tanong


I can't answer him now. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Basta sa ngayon, hindi ko muna sa kanya sasabihin.


"Wala lang 'to, Elijah. I'm fine, bumagsak kasi ako sa isang test ko kanina kaya ako umiiyak ngayon. Nag-aral naman kasi ako, pero bakit hindi ako pumasa?" palusot ko


What a great alibi, Elisha! Swerte ko nalang kung maniniwala 'tong kambal ko sa akin. Nanatili akong nakayakap kay Elijah, nang nakarating na kami sa bahay, agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Thanks for the comfort, Ej. I owe you a lot." Ngumisi lang ang kapatid ko. Nauna na ako pumasok sa loob ng bahay at umakyat papunta sa aking kwarto. It's been a tiring day for me.


..


"Elisha, sabay na tayong pumunta mamaya sa gym, ha? Wala kasi akong kilala sa mga kagrupo natin, maliban sayo." Ngumisi siya. "At isa pa, mabuti nalang at kasama natin si Dylan, nang sa ganon, may makakausap din ako 'pag wala ka." Humagalpak siya sa tawa


Ako naman ay nakakunot ang noo, trying to realize what she said. Umiling nalang ako sa naisip ng aking kaibigan. Nandito kami ngayon sa field at nagbabasa. Free time namin ngayon, dahil preparation day na nga sa booth namin. Gaya nga ng sabi ni Kath, mamayang uwian pa kami. 


"Nga pala, anong nangyari sayo kahapon? Nagulat nalang ako sa text mo na mauna na ako umuwi. Wala ka namang sinabing may group project kayo ah, may problema bang nangyari?" 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now