Chapter 51

63 1 0
                                    


Chapter 51


Space


Napangiti ako ng mapait. Ininom ko ang natitirang alak sa baso ko. Kasama ko ngayon si Dylan at Kath dito sa bar. Pagtapos namin sa school ay dumiretso kami dito. Hindi naman nila ako pinigilan. Nagpaalam lang ako kay Elijah na ililibre ko sila ngayon. 


I lied. Again.


"Tama na yan, Elisha. Baka hinahanap ka na sa inyo.." Kinuha sa akin ni Dylan ang isang basong may laman na iinumin ko sana. 


"I'm okay. Just, last. Last nalang.." sambit ko


Hindi niya naman ako pinigilan. I don't know, pero eto ang kailangan ko ngayon. Tinapunan ko ng tingin si Kath na mukang may malalim na iniisip. Nilahad ko sa kanya ang isang basong may laman ng alak. Tinanggap niya naman iyon at ininom naman niya agad ng isahan. 


"Tara na?" yaya ko sa kanila 


Ginamit namin ang sasakyan ni Dylan. Una naming hinatid si Kath sa kanila at pagtapos naman ay hinatid niya din ako sa may amin. Pero bago ako lumabas ay may binigay sa akin si Dylan. Isang gatas.


"Drink that. Para hindi nilang malahatang uminom ka." aniya


Tinanggap ko naman iyon at ininom. "Salamat. Sige mauna na ako.." Hindi ko na siya niyaya sa bahay namin dahil wala ako sa mood magimbita ng mga tao ngayon. 


Pumasok na ako sa loob pero bago iyon ay kinawayan ko muna siya. Ngumiti naman siya pabalik at nawala na siya sa paningin ko. Tinitigan ko kung nasaan ang kwarto niya. Namataan ko kaagad siya na seryosong nakatingin sa akin. Heto nanaman ang luha ko, babagsak nanaman. Walang tigil.


Pumasok na ako sa loob at hinayaan ko nalang kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Humiga agad ako sa aking kama at niyakap ang aking unan. Lumabas na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Damn! Ganito ba talaga yun? 



Ang sakit e. Sobra.



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. May kumakatok sa pintuan kaya ako nagising, inayos ko ang sarili ko dahil hindi pa ako nakabihis ng pambahay. 


"Saglit lang! Nakatulog ako!" sigaw ko


"Bumaba ka nalang kung tapos ka na. Handa na ang dinner." boses iyon ni Elijah


Pagtapos kong magbihis ay bumaba na agad ako. Nakahanda na ang dinner at ako nalang ang hinihintay sa hapag. Seryosong nakatingin sa akin si kuya at Elijah. Bakit? Ano bang meron?


"Oh? Anong ganap? Bakit ganyan kayo makatingin?" Sumandok na ako ng kanin. Hindi ko na sila hinintay. Nasa kanila ba ang kaldero at kailangan ko pa silang hintayin?

Heartless GuyWhere stories live. Discover now