Chapter 18
Muse and Escort
Nagsibalikan na kami. Habang naglalakad sa corridor madaming pinag-uusapan ang sa EHSC. "Uy, Elisha! Sumali ka!" ani ng isa kong kakilala
Napatawa ako. "Naku! H'wag na! Mahiyain ako pagdating sa talento e." wika ko
Napabusangot naman ang kakilala ko, kaya napangiwi naman ako. Pagpasok namin sa classroom, maingay. "SI ELISHA NALANG YUNG MUSE!" sigaw ni Kenneth
Nanlaki naman ang mga mata ko. Seriously? Ako? Muse? Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit ako?"
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. "Ang ganda mo kaya! Ikaw nalang wag ka ng mahiya." ani naman ni Raven
Napatawa nalang ako sa mga sinabi nila. They are joking. "Go back to your seats.." ani ng adviser namin. Napatahimik kaming lahat ang nagsibalikan sa aming mga upuan. "So, now we will choosing our representatives for EHSC." aniya
Palihim naman ngumiti ang katabi kong si Kath at napatingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi kaya..."Maam, may klase pa po ba tayo?" tanong ng isang kaklase ko. Tumango naman ang adviser namin. "Yes..remember? 2 hours ang Science ngayon."
Kung kanina ang saya saya ng mga muka ng kaklase ko, ngayon naging malungkot ang mga muka nila. "Sayang!" narinig ko pang bulong ni Kenneth sa likod. "So, who will you vote for President?" tanong ni Maam
Nagtaas si Elisse ng kamay. "I will vote Alessandra Amari Miller po, Maam."
Napatingin ako kay Amari. Halatang nahihiya siya, dahil nagtatago sa kanyang mga palad. Dati pang gusto maging President si Amari, kaya lang hindi natutuloy dahil hindi siya nananalo. Sana, this year ay mananalo na siya. "Okay. Sino pa?"
"I will vote Raven Ysabelle David po, Maam." ani ng isa kong kaklase, si Jezyl.
Nilingon ko naman si Raven at walang bahid na ekspresyon sa kanyang muka. Nagkibit-balikat nalang ako. "Okay. Sino pa?" Yumuko at nagbabakasakaling hindi nila sabihin ang aking pangalan.
Natapos ang botohan at Muse nalang ang kulang.
Unang nagtaas si Kenneth. Kinabahan ako.
"I will vote.....Elisha Maxene Lewins po, Maam."
Napapikit ako. Napadilat ako dahil sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga kaklase ko. Pati ang mga kaibigan ko ay tinawanan lang ako, dahil alam naman nila na mahina ako pagdating sa talento. Inirapan ko lang sila. "Okay. So, sino pa?"
Lahat natahimik. What the! Come on, guys! Madaming pwedeng maging muse. Bakit walang nagtaas ng kamay. Magtataas na sana ako ng kamay. "Okay, so final. The muse is Elisha Maxene Lewins. Congratulations!" ani ng adviser namin
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...