Chapter 30
Siblings
Elisha's POV
Another day. Nagising ako nang tumunog ang aking alarm. Ilang araw na ang lumipas nang nangyari ang aksidenteng yon. Nireport iyon ng aking mga magulang at ngayon ay nalaman na nila kung sino ang nagbato sa akin ng bola. Parang ewan lang, sila lang din pala yung mga lalaking nangbubully sa akin. Hindi ko nalang ito sinabi sa mga magulat at kapatid ko baka lalong gumulo ang sitwasyon.
Naligo ako at pagtapos nagbihis para sa panibagong araw. Bumaba na agad ako para sa agahan. "Good Morning, Lish!" bati sa akin ng kambal ko
"Morning din." Kahit papaano ay nabubuo din ang araw ko nang dahil sa mga kapatid ko. They always tell me jokes, lagi din nila ako inaasar kaya hindi ako gaanong malungkot. Umupo na ako sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ako ay naisip ko ang lahat ng pinagdaanan ko. Naisip kong bakit hindi ko kaya sabihin ito sa aking mga kapatid, pero kapag sinabi ko yun ay baka magalit sila at susugod sila sa EH. Mahirap na. May issue na nga ako sa school, at baka kapag sinabi ko ito sa aking mga kapatid ay mas lalong gugulo at lalaki.
Ayoko na.
Pero alam kong darating din ang panahon na sasabihin ko din ito sa kanila, dahil hindi pwedeng habambuhay akong maglilihim. "Elisha! Huy! Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Kuya James
"H-hindi ah. Inaalala ko lang yung mga inaral ko para sa test namin mamaya." I lied. Nagdaan ako sa panahong laging nagsisinungaling. Masyado na ata akong makasalanan.
"Halika na. Malelate pa tayo neto." ani ni Elijah
Tumayo na ako sa hapag at nagpaalam sa aking mga magulang. Next next week ay tapos na ang day off nila kaya lulubos-lubusin ko na rin ang mga panahong nandito pa sila. "Bye Mom! Bye Dad! Bye Kuya James! See you later." paalam ko sa kanilang lahat
Nang makarating kami ni Elijah sa school ay agad akong kinabahan. I-i hate this feeling parang may hindi magandang mangyayari. "Ihahatid na kita sa classroom niyo..." aniya
"W-wag na, Elijah. Okay lang ako."
"No, ihahatid kita. Sa araw araw na magkasabay tayo, ngayon na nga lang kita ihahatid sa classroom niyo eh." aniya
Not this time. Kinakabahan ako at baka may makasalubong akong mga estudyanteng nambubully sa akin. Wala akong nagawa kaya pumayag na rin ako. Bahala na. Mukang eto na ang tamang oras para sabihin sa kanila...
"Oh. Look who's here. Dinala niya pa talaga ang kapatid niya. Ano siya? For protection? Hahahaha." pagpaparinig sa akin 'nong mga lalaking nadaanan namin
Napatingin naman ako kay Elijah at napakunot naman ang noo niya. Ugh! Sana ay hindi nalang pala ako nagpahatid sa kanya. Tsk! "Oy Elisha! Sino yan? Boyfriend mo? Two timer ka ah!" ani nung isang babaeng lagi akong binubully. Oh please! Wag ngayon!
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...