Chapter 17

79 2 4
                                        


Chapter 17


EHSC


"Don't mind them, Kath. Walang magawa lang ang nagsasabi sa iyo niyan." ani ko


Hindi ko alam kung sino ang nagsabi kay Kath 'non. Hindi ko din naman masabang 'hindi', dahil baka hindi niya naman ako paniwalaan. Tumango lang siya at umayos ng upo. Naisipan kong pag-usapan nalang namin ang aming gagawin mamayang break time. "Go back to your seats, 11 HOPE. Tapos na ang time." ani ng professor namin.


Yeah, gret! Mabuti nalang at tapos na ang time! Pagtapos ng next subject namin ay lunch time na. Nagpaalam na kami sa professor namin. Sunod niyang paglabas ay ang pagpapasok ng next professor namin.


...


Natapos din ang Math subject namin. "Dumugo utak ko ah." sabi ni Mark at humalakhak siya.


"Yeah! Buti nalang at isang oras lang ang Math ngayon! Whoo!" ani naman ni Marc, kaklase ko din.


Tumawa nalang ako, dahil sa sinabi nila. Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap ang math kailangan lang ng understanding and also common sense. "Uh..Elisse hindi muna ako sasabay sa inyo huh. Pag-uusapan pa kasi namin ni Kath yung project e." 


Napalingon naman si Elisse. "Okay." sagot niya


Napabuntong hininga ako. Usually, kay Amari ako nagpapaalam kapag hindi ako nakakasabay sa kanila pero ngayon hindi muna..


Nauna kaming lumabas ni Kath. "Saan tayo?" tanong niya


"Sa park.." sagot ko


May park din kami dito sa school at matatagpuan siya between Elementary and Highschool Department kaya medyo malayo iyon. Pagdating namin, maraming nakaupong mga high school na estudyante, ang iba naman ay naglalandian.


Umupo kami sa may pinakadulong part ng park, para tahimik. Napatingin si Kath sa akin. Napataas naman ang kilay ko. "How are we gonna eat?" tanong niya


"We'll eat after this..we can have a meeting for 15 minutes and 10 minutes for lunch."


Tumango siya. "So, anong gagawin natin?" tanong niya


Nagkibit balikat ako. "Uh, we can interview some grade 12 students..--"


"Elisha, wala nga akong kilala." aniya


Nagbuntong hininga ako. Oo nga pala, wala siyang kakilala sa grade 12. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa kanya na wala akong kilala, dahil baka wala kaming magawa. Kinagat ko ang labi ko. What should I do now? "Hindi naman mahalaga kung may kilala ka o wala e. Uh..maybe you can keep close to them? Or makipagkilala ka sa kanila..diba?" ani ko

Heartless GuyWhere stories live. Discover now