Chapter 32

71 1 0
                                    


Chapter 32


Field Trip



Pagtapos ng introducing yourself portion sa sala ay agad kaming umakyat ni Elijah sa kwarto para magpalit ng damit. Habang paakyat kami napag-usapan namin yung bago naming kapitbahay. 


"Mayroon daw silang dalawang anak. Hmm, imposibleng si Lester kasi I think single child lang siya." Tumango ako sa sinabi ni Elijah. 


"Oo nga. Tsaka kwento pa nila, mabait daw ang mga anak nila. Imposible talagang si Lester yun." 


I'm curious kung sino ang anak ni Mr. and Mrs. Salvador. Hmm sayang hindi niya sinabi kung lalaki ba o babae yung mga anak niya. Argh! Lalo akong nacu-curious. Tsk. Nevermind that, nang makarating na ako sa aking kwarto ay agad akong nagpalit. Pagtapos ay ginawa ko na muna ang mga homeworks ko. Hayst. Gusto kong bisitahin yung bagong kapitbahay namin. Sabi naman daw nila Mr. and Mrs. Salvador, e pwede naman daw kami bumisita any time.


Pagtapos kong gumawa ng homework ay bumaba nalang ako para manood. May tv naman sa kwarto ko, pero mas trip kong manuod sa sala. "Mom. Hindi ba nakuwento sa inyo kung sino yung anak nila Mr. and Mrs. Salvador?" tanong ko nang naabutang nanonood din si Mom kaya tumabi ako sa kanya


"Hindi eh. Bakit?" tanong niya


Akala ko pa naman nabanggit niya. Tss. I'm so curious! Tsk! "Wala, Mom. Curious lang ako." 


Kaya ang nangyari, sabay nalang kami nanood ni Mom ng Phineas and Ferb. Nakakatawa pero kanina pa pinapanood yan ni Mom, hindi ko alam kung bakit. Tinawag na kami para kumain kaya dumiretso kaming dalawa ni Mom sa kusina.


Inayos ko ang mga pagkain. Ay! Ano ba yan. May pa-ayos ayos pa akong nalalaman. Maka-upo na nga lang. >.< Umupo na ako sa bakanteng silya at sinimulang kumuha ng pagkain. Dumating naman sila Elijah, Kuya, at Dad. "Kain na tayo." napatingin naman sila sa akin. "Geh." Elijah replied


Habang kumakain kami ang topic namin ay ang bago naming kapitbahay. Hayst. Hindi lang pala ako ang curious, pati rin pala sila Mom and Dad. Dapat talaga malaman na namin kung sino ang mga anak nila. "What? May bagong kapitbahay?" singit ni Kuya James


Ay oo nga pala. Wala 'to kanina. Sayang hindi niya naabutan ang introduce yourself portion. "Oo, kuya. Si Mr. and Mrs. Salvador pumunta sila kanina dito sa bahay kaya lang wala ka. Sayang naman." sagot ko


Biglang napatingin naman sa akin si Kuya James. "Tss. Ewan ko sayo kumain ka na nga lang jan. So, ano nga? May bagong kapitbahay ba tayo?" tanong niya ulit. Ay? Paulit-ulit? Tss. Kasawa ah.


"OO NGA. AYNAKO ANG KULIT MO KUYA." Tsk. Yan tuloy! Epekto ata 'to ng pagka-curious ko kung sino yung anak nung mga Salvador na yun eh.



Humalakhak naman si Elijah sa tabi ko. Eh? Nandito pala si Elijah? Jusme ni hindi ko ramdam na nandito pala ang presensya niya. "Oh? Bat ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya

Heartless GuyWhere stories live. Discover now