Chapter 42
Who are you
Naglakad kami ni Dylan papuntang canteen, dahil sabi niya sa akin ay libre niya na daw ang pagkain ko. Tumingin ako sa aking relo at 9:40 pa lang ng umaga. Nahihiya ako sa kanya, dahil bago pa lang nga kami magkikalala at nilibre niya na agad ako. Ang awkward tuloy ng atmosphere.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin nang nakapila na kami para bumili
Hindi naman ako nagugutom kaya biscuit nalang ang sinabi ko sa kanya. "Sure ka?" tanong niya
Napangiti ako. "Oo. Busog na nga ako diba? Kaya okay lang." sagot ko
Bumili siya ng dalawang biscuit at inilahad niya ito sa akin. "Upo tayo 'don." turo niya sa bakanteng upuan
Napayuko ako dahil nagsimula ng tumingin ang mga tao sa amin at nagbulung-bulungan. Siguradong bukas ay trending na agad ito sa buong campus.
"Grabe! May Lester na nga may Dylan pa!"
"Oo nga eh! Two timer pala."
Narinig kong usapan sa nadadaanan namin. Napairap nalang ako sa kawalan, hindi ko nalang sila papansin dahil hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. Hindi ko gusto si Lester at hinding hindi ko siya magugustuhan kahit kailan.
"Bakit ang tahimik mo?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Wala lang. M-may naisip lang ako.."
Umupo kami sa bakanteng upuan na tinuro niya kanina. Nasa harap ko siya, nasa harap niya ako. "Ano naman yung naisip mo?" tanong niya
Ikukuwento ko kaya sa kanya ang nangyari sa akin dito sa school?
Bahala na nga..
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. At inasahan kong magugulat siya at ayun nga ang nangyari. "Sino? Si Lester?" Tumango ako. Totoo naman na siya ang may dahilan ng lahat. "Kanina may ka-blockmate akong Lester ang pangalan e. Hindi ko alam kung siya ba yon."
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga noh! Bakit hindi ko naisip na pwede silang magkita? Aish! Grade 12 nga rin pala 'tong si Dylan. May posibilidad na magkakilala sila."Lester Castro ba?" tanong ko
Napaisip siya. Sa huli, ay napatango siya. Napaiwas ako ng tingin at napayuko, tiningnan ko ang aking relo at mag aalas-gis na. "U-uhm, alis na ako, Dylan. Magsisimula na yung next class ko." Tumayo na ako at umambang aalis na, pero pinigilan niya ako.
"Wait! Hatid na kita. Nakakahiya naman, inimbitahan kita tapos hindi kita ihahatid? That's rude." he smiled. Uminit nanaman ang buong sistema ko. Yumuko nalang ako para hindi mahalata.
![](https://img.wattpad.com/cover/82537509-288-k296959.jpg)
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...