Chapter 36
Adventure (Part 2)
"Lish! Uy!"
"Hmm??"
Dinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin si Kath. Nanlaki ang mga mata ko kaya natawa siya. "Nakatulog ka kaya Elisha! Ang aga mo kasing nagising eh." aniya
Medyo nahiya naman ako. Naku! Nakatulog pala ako. Nakakahiya baka malungkot etong si Kath, dahil wala siyang makausap. "Hala! Sorry Kath ah! Sorry talaga. Tsk dapat talaga--
"Okay lang yan! Tingnan mo nga lahat ng kablockmates namin tulog din o." turo niya sa mga katabi naming tulog. Eh?? Hindi lang pala ako? "See? Kaya okay lang yan, mukang ako lang ata ang gising dito eh." napakamot siya sa batok nya
Natawa naman ako. Tumingin ako sa labas at mukang familiar 'tong pupuntahan namin. "Bakit Elisha? Alam mo na ba kung saan tayo pupunta?" Napatango nalang ako bilang tugon. Familiar etong daan, hindi ko lang matandaan kung saan to. I glanced at my wrist watch at 7:00 na pala. 1 hour na kaming bumabiyahe.
Naglahad sa akin ng Nova chips si Kath, kumuha naman ako. Sa totoo lang, kanina pa ako gutom. Ayun nga, nakatulog ako. "Thanks." pasasalamat ko
Kinuha ko ang pringles sa aking bag. Inoffer ko din ito kay Kath. Nang nagstoplight, I saw bus no. 2 on my other side. At bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko.
Lester, very deep sleeping.
Sinarado ko agad ang bintana ng kurtina. Tss. Ano ba tong nararamdaman mo, Elisha? This is not right. "Elisha!"
"Ay! Huh? Bakit Kath?"
"Kanina pa kita tinatawag! Hehehe."
"Ay sorry! Bakit?"
"Wala. Amboring kasi eh. May ichichika lang naman kasi ako sayo." Tinuon ko nalang ang pansin ko kay Kath at binalewala ang nakita ko kanina.
Sana...hindi matuloy 'tong nararamdaman ko.
..
Minutes and hours passed. Mukang tama nga ako ng hinala. We are going to Ilocos Norte! Ghad! Hindi ko alam na dito pala kami pupunta. My other blockmates start giggling nang makita nila ang malaking board na nakasulat 'Welcome to Ilocos Norte'
"So alam niyo na kung saan tayo pupunta!" our professor glady shout

YOU ARE READING
Heartless Guy
Novela JuvenilLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...