Chapter 31

86 1 0
                                    


Chapter 31


New neighbor



Pagtapos 'non ay kumain na kami. "How's school?" napatigil ako sa pagkain nang tanungin ako ni Mom


"Okay lang naman, Mom." sagot ko


Natanggal na ang kaba ko kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Tumingin naman ako kila Elijah at naabutan kong nakatitig din sila sa akin, ngiti lang ang sagot ko sa kanila. Pagtapos naming kumain, ay nagsiakyatan na kami. 


Nang maka-akyat na kami ay ipinagpatuloy nalang namin ang paglaro ng video game.



***


Pagtapos nang araw na iyon ay sinabayan na ako ni Kuya James. Babantayan niya daw ako. Psh, daming alam para namang matatakot sila sa kanya at titigil na. Hahahahah, siguro i-wiwish ko nalang iyon. 


"Okay na ako dito." sambit ko pagbaba ng kotse


"Ihahatid kita." sabay na sabi nilang dalawa


Natawa nalang ako. "Kayo talaga." Napangiti naman ako. Mabuti nalang at may dalawa akong kapatid na nagaalala sa akin, kahit papano hindi na ako kinakabahan tuwing maglalakad ako papuntang classroom. Papasok na kami ng college department, at malamang sa malamang napatingin naman sila....SA DALAWA KONG KAPATID. SA KANILA LANG. Tiningnan ko naman ang mga kapatid ko at naka poker face lang sila.


"Bakit parang hindi ka naman nila binubully?" bulong sa akin ni Kuya James


"E kasi nga nandito kayong dalawa ni Elijah. Hiyang hiya nga ako e, nagmuka akong katulong sa inyong dalawa. Tss." pabiro kong sambit


Natawa naman si Kuya. "Ewan ko sayo." aniya at ginulo ang buhok ko. Tss. Totoo naman e, hindi niya ba yun napapansin? Hayst tutal hindi naman yan tumitingin sa mga tao si kuya e, kaya bahala siya kapag nanakawan siya hindi niya malalaman ang taong nagnakaw sa kanya dahil hindi naman siya tumitingin. Tss.


Anyways, bakit ko ba yun nasabi. As usual, pinagtitinginan lang kami ng mga estudyante dito at halos maglaway na sa kakatitig sa dalawa kong kapatid. Hayst dapat pala nasa likod nalang ako para magmuka talaga akong katulong. Ako pa naman ang unang naglalakad, dahil hindi naman nila alam kung nasaan ang classroom ko.


Pagdating namin sa classroom, ay nanlaki ang mga mata ko. 




Bakit nandito si Lester?!



Napatigil naman ang iba kong mga kaklase sa mga kanilang ginagawa. Napako naman ang tingin ng dalawa kong kapatid kay...Lester. Mukang hindi maganda ang mangyayari. Tumalikod na ako sa kanila at hinarap ang aking dalawang kapatid. "Mauna na kayo. Nahatid niyo naman ako diba? Hehe sige bye!" 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now