Chapter 26

71 1 0
                                    


Chapter 26


Changed


Natigilan ako sa aking pag-kanta. Tila natigilan din siya at ang mga kasama niya nang nagtagpo ang mga mata namin. Napag-desisyunan ko nang itigil na ang pagkanta ko, at baka maluha ako sa aking pagkanta.


"T-thank you for listening.." ani ko 


Bumaba na ako pagtapos 'non at niyaya na ang pamilya kong umalis. Napansin ata ni Elijah ang aking pagbalisa. "What? Aalis na agad tayo? It's too early, Lish..." aniya


Sinulyapan ko ang aking mga kaibigan at si Lester na naka-upo sa isang mahabang table at nagtatawanan. Bigla akong nalungkot, dahil hindi man lang ako binati ng aking mga kaibigan. "Diba sila Amari at Elisse yon?" tanong ni Mom nang napansin niyang nakatitig ako doon


Nag-dalawang isip pa akong sumagot. Wala naman din akong magagawa, dahil kilalang-kilala ni Mom ang muka ng mga kaibigan ko. "Y-yes..and t-they are with..uh-their family." pagsisinungaling ko. I know, masama yon pero alam kong mala-isang daan ang tanong ni Mom kapag nalaman niyang wala ako sa tabi nila. Dahil ang alam niya ay sobrang close kami nila Amari at Elisse na kahit saan sila magpunta ay nandoon din ako. 


"Oh, I see...sige kung gusto mo na umalis. Let's go..baka pagod na si Elisha.." ani ni Mom


Napatingin ako kay Elijah na matalim na nakatingin sa akin. Nagpapasalamat ako at hindi siya umimik. "N-no mom..let's just go somewhere else." wika ko


Pagtapos 'non ay pumunta nalang kaming Timezone. Pagtapak ko sa Timezone ay may bigla akong naalala.


Dito.


Dito ko unang nakita si Lester.


Napa-iling ako sa aking naiisip. Why I am thinking of him? 


"Elisha!" sigaw sa akin ni kuya James


"What?" irita kong tanong


"Kanina pa kita tinatawag. Akala ko ba gusto mo mag-timezone? Bakit ka natulala jan?" 


"W-wala. May naalala lang ako..." ani ko at sumabay sa paglakad nila Kuya James at Elijah


"Dito mo ba unang nakita si Lester, huh Elisha?" nagulat ako sa tanong ni Elijah


"I think so? Let's just not talk about him, Elijah. Wala yung tao dito pinag-uusapan pa natin." 


...


Pagtapos naming mag-timezone ay umuwi na kami. Nakakapagod ang araw na ito. Pero kahit napapagod na ako ay pinilit ko pa ring mag-practice para bukas. Kinuha ko ang gitara ko at umupo sa aking kama. 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now