Chapter 59

69 1 0
                                    


Chapter 59


Decide


"Ghad! Mas lalo ka atang gumanda ngayon, sis! Sana magextend pa 'tong vacation mo.." ani ni Sean


Yes, nandito na ako sa New York, kasama ko si Sean na naglalakad dito sa Times Square. Isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang iniwan ko ang Pilipinas. Hindi ko pa din makakalimutan kung paano kung iniwan ang mga taong mahahalaga sa akin. 


Nagpapasalamat ako dahil tanggap ni Kath ang desisyon ko na pumunta muna dito sa New York. Halos buong isang linggo kaming nagsama ni Kath dahil alam kong mamimiss namin ang isa't-isa. Nakakatawang gusto ding sumama ng mga kapatid ko papunta dito kaya lang walang magbabantay sa bahay namin. Pagtapos ng isang linggong vacant nila Mom and Dad ay sinabi ko sa kanilang gusto ko munang magbakasyon at makipagkita kay Sean. 


I'm so glad na pumayag sila agad at gusto pa nilang dito ko nalang ituloy ang pagaaral ko, but I refuse. Ang gusto ko lang naman ay iwan ang mga problema ko sa Pilipinas at magsaya muna dito sa ibang bansa. Hindi ko kailanman iiwan ang mga mahal ko sa buhay nang dahil lang sa kagustuhang makapagaral dito. Mas maganda pa ata sa Pilipinas!


"Oo nga pala, sis, nakapagpaalam ka ba sa mga friends mo dun sa Easton High?" tanong ni Sean


"Yup. Pati kay Lester at Dylan ay nakapagpaalam ako.." 


Napangiti ako nang maalala kung paano ako nagpaalam kila Lester at Dylan. Masaya akong tanggap din nila ang desisyon ko kahit iiwan ko sila. Hindi naman siguro matagal ang isang buwan para mabago ang lahat. Pero may mga bagay talaga na mahirap iwanan lalo na kapag mahalaga ito sa iyo. 


*flashback*


Naglalakad kami ngayon ni Kath sa corridor para umuwi nang makita ko si Dylan kakalabas lang ng restroom. Hinila ko si Kath papunta sa kanya at sinenyasang magpapaalam na ako sa kanya dahil sa susunod na araw na ang alis ko papuntang New York.


"Oh? Hi! Anong kailangan niyo? Mabuti naman at nagkita ulit tayo." 


Masaya kong binati si Dylan. "Dylan, kasi magpapaalam lang muna ako sa iyo, p-punta ako ng New York sa Biyernes. Gusto ko lang sana magpaalam sa iyo kasi hindi kita makikita ng isang buwan lang naman. Don't worry, babalik din ako. May mga bagay lang akong aayusin doon at makikipagkita ako sa isang matalik kong kaibigan." Napangiti ako nang niyakap niya ako.


"Sige, mamimiss kita ah! Ingat ka 'don palagi at sana maayos mo ang kung ano man ang aayusin mo 'don. Nakakalungkot nga lang na wala ng Elisha ang babati sa akin at wala na akong makikitang makulit na Elisha!" Humagalpak kami sa tawa dahil sa sinabi niya. "Pasalubong paguwi ah?" Muli ay niyakap niya ulit ako. Mamimiss ko 'tong yakap niya na laging nandiyan noong umiiyak ako.


"Sige, I'll sure na may mga pasalubong kayo paguwi ko! Sana walang magbabago ah? Friends pa rin tayo 'pag uwi ko. I will try to call you 'pag may oras ako." 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now