Chapter 57

66 2 0
                                        


Chapter 57


Sino


Sunod na araw ay nagabsent muna ako dahil sumama ang pakiramdam ko. Wala akong ganang kumain at nilalamig ako. Mabuti nalang at kumatok si Elijah sa kwarto ko dahil hindi ko kayang bumangon. 


"Elisha, hindi ka pa ba tapos?" tanong niya


"Hindi muna ako papasok ngayon..masama ang pakiramdam ko." Pumasok siya sa kwarto at nabigla sa sitwasyon ko. Balot na balot lang naman ako ng kumot plus naka jacket pa ako. Akala mo ay nasa Antartica ako sa sobrang lamig. Pinatay ko na ang aircon at ang tanging umaandar lang ay electrifan.


"What happened? Ayos ka lang?" 


Hinawakan niya ang leeg ko at napamura. "Elisha! Ang init init mo! Bakit hindi mo agad ako tinawag?" 


Nagmadali siyang bumaba para siguro ay kunin ang pang temp. Wala pang isang minuto ay nakabalik na siya at may dala dala siyang gamot at tuwalya na basa. Pinainom niya muna ako ng gamot at nilagay niya sa noo ko ang tuwalyang dala.


"Sinabi ko na kay manang ang kalagayan mo. Mauuna na ako..."


"Sige, kapag nasalubong mo si Kath sabihin mong hindi muna ako makakapasok.." 


Tumango naman siya at iniwan niya na ako sa aking kwarto. Napabalikwas ako nang makaramdam ng init. Umeepekto na ang gamot na binigay sa akin ni Elijah. Mabuti nalang at nandito siya, kung hindi siguro ay kanina pa ako nangisay sa lamig. 


Sinubukan kong bumangon at medyo nahilo ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil hindi pwedeng habambuhay ay nakahilata ako. Nagmartsa ako papuntang banyo at inayos ang sarili. Nag half bath lang ako dahil kapag naligo ay siguradong lalala pa ang sakit ko. 


Pagtapos kong mag half bath ay nagpalit ako ng sweater at pajama. Pumasok naman ang isa naming kasambahay at may dala dalang pagkain. Ipinatabi ko nalang sa kanya at kaya ko namang gumalaw mag-isa.


Habang kumakain ako ay tumawag si Kath, siguro nasabihan na siya ni Elijah. 


"Hello Kath!" bati ko


["Hala! Elisha, okay ka lang? Naku, ako lang tuloy ang magisa dito. Bakit ka pa kasi nagkasakit? Alam mo bang ngayon malalaman kung sino ang nasa dean's list. Ilalabas na rin nila ang results ng exam natin. Ako nalang ang kukuha ng sa iyo tapos ay ibibigay ko kay Elijah."]


"Talaga? Sige, salamat Kath. Anong ginagawa mo diyan? Wala ka pang klase?" 


["Wala pa..nandito ako ngayon sa field. Wala akong magawa, wala din akong makausap kaya dito nalanga ko tumambay. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"]


"Ah oo, kakabigay lang ni Elijah ng gamot sa akin kaya medyo bumuti ang pakiramdam ko. A-ayos ka lang ba jan? H-hindi ka ba nila inaapi?" Medyo nakakatawa ang tanong ko dahil alam kong palaban si Kath pagdating sa mga ganung bagay.

Heartless GuyWhere stories live. Discover now