Chapter 35

72 2 0
                                    


Chapter 35


Adventure (Part 1)


Elisha's POV


Yes!! I'm so excited para sa field trip namin. Maaga akong nagising. Not as the daily schedule, but super duper maaga. 3:30 gising na ako, and dapat 6:00 nandon na dapat sa school. Diba? Masyado akong maaga. 


Kaya ayun. Naligo na ako at nag-ayos pagtapos. Civilian daw ang isusuot namin, so I wear high waist pants and crop top. Idk pero bat excited ata ako ngayon. Pagtapos kong mag-ayos, mabuti nalang at may gising na kaming katulong kaya nagpahanda na ako sa kanya. 


Naghintay muna ako sa sala para sa kanyang lulutuin. Tsk bakit ang aga ko pa kasing nagising?


Pagtapos ng ilang minuto. "Elisha, handa na po ang umagahan niyo.." 


Sa wakas, handa na rin. Pagtapos kong kumain ay nagpaalam ako sa aming katulong na pakisabihan nalang sila Mom and Dad. For the safety, nagpahatid nalang ako kay Mang Luis tutal gising naman siya. Hindi ko sinabi kila Mom and Dad na maaga akong aalis. Hindi ko naman alam na magigising pala ako ng maaga. :(


"Thank you, Mang Luis.." ani ko habang papalabas sa sasakyan


"Sige iha, magiingat ka." Tumango nalang ako bilang tugon. Tinawagan ko muna si Kath para tanungin kung nasaan na siya. Habang tinatawagan ko siya napadaan sa harapan ko sila Elisse at Amari. Nginitian ko sila, ngunit si Elisse lang ang ngumiti sa akin. Pero si Amari? Wala. :(



Pero..bakit kaya maaga sila?



Hayyst.



["Hello?"] 


"Kath! Where na you?" 


["Woah! Chill! Kakagising ko pa lang. Anong oras pa lang oh? Halatang excited ah, ano meron? Hahahaha."]


"Ay oo nga pala! Hahahaha. Sorry! Sorry! Nagising pa ata kita. Sorry talaga, Kath!"


["Okay lang gaga! Atleast ginising mo ako, para parehas tayong maaga"]


"Oo nga noh. Oh sya! Maligo ka na nga. Sige bye."


["Byeee! See you later!"]


Pagtapos ng tawag na yon ay dumiretso muna ako sa canteen para magorder ng kape. At sakto nga naman nakita ko nanaman sila Elisse at Amari. Seriously? Dinaanan lang nila ako na parang hangin. Wow. Just wow. 


Tinuon ko nalang ang aking pansin sa pag-order ng kape. Pagtapos kong mag-order dumiretso ako sa field at umupo sa bleachers. Mukang nababagay ang pag-inom ng kape ko, dahil malamig ang hangin ang dumadampi sa braso ko. 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now