Chapter 23
Starting
Sumunod ang araw at Huwebes na. Honestly, I'm not feeling well, gusto ko sanang hindi nalang pumasok kaya lang wala naman akong gagawin dito sa bahay. Bumangon agad ako at nagtungong bathroom para maligo.
Pagtapos kong maligo, nagbihis agad ako. Niligpit ko ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa aking kwarto kagabi, basta ang alam ko niyayakap ko si Elijah. May I fell asleep in his arms. Anyways, lumabas na ako sa kwarto at napagdesisyunan kong pumunta muna sa kwarto ni Elijah.
Naabutan ko siyang tulog pa. Napangiti ako, mabuti nalang at nandiyan siya kagabi. Siguro kung wala siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kumuha ako ng papel sa aking bag at nagsulat ng note para sa kanya.
'Mauna na ako..ang sarap ng tulog mo. Thanks kagabi.'
Maaga akong nagising. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguro ay maglalakad nalang muna ako. Umalis agad ako sa kwarto ni Elijah at kumaripas pababa. Naabutan kong nagluluto pa lang ng breakfast si Manang Ysa. "Manang..mauna na po ako. Kakain nalang po ako sa Mcdo malapit sa amin..." ani ko habang papalapit kay Manang
"Huh? Alam na ba ito ng mga kapatid mo? Ay naku! Baka ako ang pagalitan niyan ha..." wika niya habang abalang abala sa pagluluto
"Hindi yan, Manang! Nagsulat na ako ng note kay Elijah. Siguro naman ay sasabihin niya rin yun kay Kuya." sambit ko
"Oh sige..bahala kang bata ka." aniya
Napa-'yes' naman ako sa utak ko. Hindi naman mahirap kumbisihin si Manang e, pero kapag utos ni mom and dad doon siya nagiging istrikto. Nagpaalam na ako kay Manang at mabilis kumaripas palabas ng bahay, baka mamaya ay maabutan ako ng mga kapatid ko.
Nag-jeep lang ako papunta sa Mcdo, malapit lang sa Easton High. Dumiretso agad ako sa counter pagpasok ko. Nagorder lang ako ng Chicken Fillet at Rice, nag-order na rin ako ng pancake at coffee para mamaya sa snacks ko. Pagtapos kong mag-order ay naghanap agad ako ng upuan.
Habang kumakain ay naisipan kong magonline sa fb, since may data naman ako. Nakakita nanaman ako ng mga post galing sa mga ibang grade level kaya naisipan kong i-log out nalang iyon. Pagtapos kong kumain ay umalis agad ako doon at naglakad patungong school.
Halos sampung minuto ata ako naglakad at nakarating ako sa EH ng 6:30 ng umaga. Naisipan kong dumiretso muna sa gym bago dumiretso sa classroom. Habang papalapit ako ay may naririnig akong pagdabog ng bola..siguro ay mayroong naglalaro.
Sumilip ako ng kaunti at laking gulat ko ng makita kung sino ang naglalaro.
"Kung minamalas ka nga naman..." bulong ko
Napakagat ako ng labi ng napagtantong shirtless pala siya. What the hell?
![](https://img.wattpad.com/cover/82537509-288-k296959.jpg)
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...