Chapter 15
Why are you here
Nagising ako ng 6:00 am. Mabuti nalang at wala kaming 7:30 class ngayon, napagisipan kong mag-jogging muna sa Ashville Park. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pagtapos kong maligo, nagbihis ako ng black racerback at nike shorts. I partnered it with my Nike shoes, nagtali ako ng ponytail at dinala ang ipod at earphones ko. Kumuha ako ng towel sa cabinet ko, baka sakaling mapawisan ako. "I guess, I'm complete." ani ko
Bago ako lumabas sa kwarto, tiningnan ko ang wall clock sa harapan ko. 6:10 na ng umaga, maaga pa para mag-jogging. Lumabas na ako sa aking kwarto dala dala ang kailangan ko. Pagkababa ko, titig na titig si Manang Ysa sa akin. "Saan ang punta?" tanong niya
Nagsalin muna ako ng tubig sa baso para uminom. "Jogging lang po ako, Manang. Sa Ashville Park lang naman." sagot ko. Tumango naman si manang. "Wala ka bang 7:30 class?" aniya
Umiling ako. "Wala po. Tuwing Tuesday at Friday lang po."
Pagtapos ng paguusap namin ni Manang ay umalis na ako. Kakain nalang ako sa McDo malapit sa entrance ng Ashville. Naglakad lang ako, since malapit lang naman. Maraming tao din ang naglalakad. Siguro ay pupunta din sila sa park.
Pagdating ko sa McDo, kaunti lang ang mga tao. Lumapit agad ako sa counter para mag-order. "One piece of pancake and burger, please. For dine in, thank you!" utos ko. Pagtapos kong ibigay sa kanya ang bayad, napansin kong parang may tumititig sa akin. Luminga linga ako sa tabi, pero wala naman akong nakita. "Here's your order, Maam." ani nung cashier
Nginitian ko lang siya at tinanggap ang binigay niyang order. Naghanap ako ng pwedeng maupuan at napili ko ang malapit sa window. Naaninag ko sa aking peripheral vision na may tumitingin talaga sa akin, hinayaan ko nalang iyon. Wala din naman akong magagawa kung titigan niya ako magdamag.
Pagtapos kong kumain, umalis na agad ako. Mabilis akong naglakad papuntang Ashville Park, 6:30 na kasi. 7:00 ay babalik na ako sa bahay, maghahanda pa ako sa aking klase. Nagpahinga muna ako sa mga nakahilerang bench, kakain ko lang at baka magka-appendicites ako kapag tumakbo.
Ilang minuto din ang nakalipas, nagsimula na ako mag-jog. Nakinig ako ng classical songs para ma-relax ako habang tumatakbo. "Why are you here?" ani ng pamilyar na boses
Nilingon ko agad siya, at nanlaki ang mga mata ko. What is he doing here?!
Hindi ako nagpahalata na nagulat ako. "Jogging." sagot ko. "Why are you here?" tanong ko din sa kanya.
Ngumisi siya. "None of your bussiness."
Okay, fine! Kung ayaw niya, edi wag! I'm not pushing him to tell me why he's here. It's okay.
Nagkibit balikat lang ako. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. "What street are you?" tanong niya. Adik din 'to eh. Magtatanong sa akin, sasagutin ko. Pero kapag ako ang nagtatanong sa kanya, hindi naman siya sumasagot. Binalewala ko lang ang tanong niya at nagkunwaring walang narinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/82537509-288-k296959.jpg)
YOU ARE READING
Heartless Guy
Novela JuvenilLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...