Chapter 45
Confront
Pagkauwi ko, sinearch ko agad kung ano ang ibig sabihin 'nong nakasulat sa likod ko. Hindi ko siya masulat pa japanese dahil ang keyboard ko ay pang english lang. Tinanong ko din ang mga kapatid ko at hindi rin nila alam kung ano ang ibig sabihin nito. Tinext ko na din si Kath at pinicturan ko iyon at sinend sa kanya, pero sa huli hindi niya din alam.
Ano ba ang ibig sabihin nito?
Sunod na araw, ay para sa aming preparation for booth day. Kaya simula sa araw na ito hanggang next week ay preparation day namin. Nagising ako ng 6:00 ng umaga. Nag-martsa ako papuntang banyo at nagsimulang maligo. Pagtapos kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng shirt at black pants. I partnered it with my sneakers. Hinanda ko na ang mga gamit ko at chineck ko muna ang phone. May message 'don si Dylan.
Dylan: Good Morning! Breakfast already? :)
Nagtipa agad ako ng aking sagot.
Me: Good Morning din! Kakatapos lang maligo, magbe-breakfast pa lang. Ikaw?
Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Saktong kakagising lang ng kapatid ko kaya niyaya ko muna siyang kumain. Pumayag naman siya kaya sabay kaming kumain sa hapag.
"Preparation day namin ngayon? Kayo? Ganun din ba?" tanong ko kay Elijah
"Yeah." sagot niya
Pagtapos naming kumain ay hinintay ko si Elijah na matapos. Hindi pa yun nakakaligo kanina, pero mabilis lang naman yun mag-ayos. "I'm done." sambit niya sa pagbaba niya
Kaya sumabay nalang ako sa kanya papuntang school.
"Hi!" Bati sa akin ni Dylan pagtapos ng break time namin
Nandito ako ngayon sa canteen at kumakain mag-isa. Inutusan kong hanapin ni Kath yung leader namin para sa booth day, which is si Ate Dana. Mabuti nalang at siya yung leader namin, magaling pa naman yun mag-lead.
"Yow! Musta?"
"Okay lang. Saya mo ata ngayon? Where is Kath?"
Umupo siya sa tabi ko kaya napa-usog tuloy ako. May bakante pa naman sa aming harapan, pero bakit dito pa siya umupo? "Pinahanap ko sa kanya si Ate Dana, tatanong ko lang sa kanya kung ano yung plano niya para sa booth."
Kagrupo ko nga rin pala 'tong si Dylan. Napapikit ako nang maalala ko ang iba pa naming ka-grupo. Nagkuwentuhan muna kami ni Dylan habang hinihintay si Kath, kanina ko pa siya pinahanap ah. Bakit kaya ang tagal niya ngayon?
Third Person's POV
I saw them both talking to each other. Tss. Ang dami daming space ng upuan bakit 'don pa siya umupo sa tabi niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/82537509-288-k296959.jpg)
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...