Chapter 55

65 2 0
                                    


Chapter 55


Finals


Weeks have passed at next week ay finals na kaya todo aral ako ngayon. Nandito ako ngayon sa library at nagaaral tungkol sa Biology. Nga pala, bati na kami ni Kath halos buong isang linggo ko siyang sinuyo at nagmukha akong manliligaw.


Bawat break time namin ay dinadalhan ko siya ng pagkain at tuwing gabi ay tinetext ko siya. 


It's too awkward.


"Uy! Hindi ko na nakikita si Dylan ngayon..anong nangyari dun?" Natigilan ako sa pagbasa at tumuwid ako sa pagkakaupo. Hindi ko sinabi kay Kath na may nararamdaman pala sa akin si Dylan. Pagtapos ng araw na iyon ay umiiwas muna ako kay Dylan sa tuwing nakikita ko siya. May pagkakataong kailangan naming mag-usap, pero wala naman akong sama ng loob sa kanya.


Hindi naman masamang magmahal ng tao diba?


"Ah! Sabi niya sa akin busy daw siya eh. Hindi ko nga alam siguro may pinagkakaabalahan, hayaan na natin..." palusot ko


Tumahimik naman siya kaya pinagpatuloy ko ang pagbasa. 


Habang nagbabasa kami ay may biglang sumipol sa tabi kaya napatingin ako. Nanliit ang mga mata ko nang nakangiting kumakaway sa akin si Lester. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagbasa ko. 


He's too damn attractive dahil parang pusang kaway ng kaway ang kupal. Nilapitan ko na siya at ngumiti naman ng malapad ang isang 'to. 


"Ano?!" 


"Wala! Ang ganda mo ngayon.." 


Seriously? I already know that kaya hindi niya na kailangang ipamukha sa akin. Hay! Wala bang masasabing matino ang isang 'to?


"Alam ko. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" 


"Wala. Nag-aaral din." Tumaas ang kilay ko dahil may nilabas siyang libro at nagsimulang magbasa. Binibigkas niya ang bawat binabasa niya. 


"Are you joking? Nagbabasa ka ng ganyan?" tanong ko


"Yup.."


Damn! He wear a full rim metal eyeglasses kaya mas lalong gumwapo ang mukha niya. He looks like a nerd, but I realize he's too handsome to be a nerd. Nilingunan ko si Kath at busy siya sa pag-aaral. 


"Tss. Why are you here? You're distracting me..." aniya


Namula naman ang pisngi ko kaya tumalikod ako para hindi niya makita. Hay! Lester why are you doing this? Damn siya lang ang nakakagawa ng ganito sa akin. Nang naramdaman kong nawala na ang pamumula ko ay hinarap ko na siya. 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now