Chapter 8
Why him?
"Shit. Shit. This is shit! Ugh!" angal ko habang naglalakad pabalik kila Elisse at Amari. "Bakit siya pa?" bulong ko. Srsly? Para na akong tanga ditong kinakausap ang aking sarili. -_-
Nang makarating na ako sa kinaroroonan nila Elisse at Amari, ay naabutan ko silang kinikilig.
"Anong meron?" tanong ko. "Bakit kinikilig kayo jan? May nakita nanaman kayong lalaki? Haynako! Mga babae talaga!" irita kong sambit. Napatingin naman sila sa akin at napakunot ang kanilang mga noo. "Girl, what happened to you?" tanong ni Amari.
May nangyari ba sa akin? Wala naman diba? "Wala" sagot ko. May binulong bigla si Amari kay Elisse. Sad to say, but hindi ko yun narinig. -_-
"Ano nanaman yan?" tanong ko. "Halika na nga! Mag-enroll na tayo. Mas lalo akong naiirita eh. Hay!" ani ko. Nagsimula na akong maglakad, patungong cashier. Humingi na ako ng form at sinimulang fill-upan. "Girl, bakit parang nagmamadali ka ata?" tanong ni Elisse.
'Kasi ayokong makasalubong ulit siya' yan ang dapat kong sasabihin, kaya lang hindi naman nila alam. At hindi nila pwedeng malaman. Hindi muna sa ngayon. "Wala. Para makagala din tayo, diba?" ani ko. Tumango nalang silang dalawa at ipinagpatuloy ang pagfifill-up.
Nang matapos na kami niyaya ko silang pumunta sa Galiano Cafe, pumayag naman sila kaya nagmamadali akong lumabas papunta sa exit. Kaya lang....
SHIT.
Labasan na pala nila. Fvck! Binilisan na nga namin kanina. Bakit naabutan ko pa rin siya? "Huy girl!" -Elisse
"Ay Le--eh? Bakit ba?!" tanong ko. Muntik ko nanaman masabi yung pangalan. Kumunot naman ang noo niya at parang natatawa. Abnormal lang? "Bakit parang nakakita ka naman ng multo? Kanina ka pa namin sinasabihan na 'tara na' tulala ka naman pala." ani niya. Sinulyapan ko sa likod si Amari---eh? Ba't wala siya? "Nasaan si Amari?" tanong ko.
"Sus girl! Palusot ka pa! Hindi na yan uso. Dali na girl! Tell me, ano bang iniisip mo at parang lagi kang natutulala?" tanong niya. Tss. Sira ba siya? Nagtatanong ako ng maayos eh. Sinulyapan ko din si Lester. At shit!
Bakit nandun si Amari? At bakit magka-usap sila?
"HOY ELISHA MAXENE LEWINS!" sigaw niya sa tenga ko. Aray ha! Parang feeling niya masarap masigawan sa tenga. "BAKIT?! HINDI AKO BINGI. WAG KANG SUMIGAW. PLEASE!" sigaw ko din. Sinulyapan ko ulit sila, at naabutan kong nakatingin si Lester sa akin.
What the shit.
"Eh? Girl~ sino ba yang tinitingnan mo? Bakit tingin ka ng tingin kay Amari?" tanong ni Elise. Tss. Hindi naman sakanya ako nakatingin eh. Kundi kay--- "Wait gurl! Baka dun sa lalaking kausap niya? HAHAHA. Girl wag na yan! Kay Amari na yan." ani niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Kay Amari na siya? Huh?
![](https://img.wattpad.com/cover/82537509-288-k296959.jpg)
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...