Chapter 9
Amari's POV
@ Galiano Cafe
Pagtapos namin sa school, dumiretso agad kami sa Galiano Cafe. Pumasok agad kami, at nagulat kami dahil ang daming tao. "What the..?! Anong meron? Bakit ang daming tao? Huhu" ani ko. Nagsimula na kaming pumila sa counter and it takes a minute bago kami mag-order. "One Caffe Macchiato please. Thank you!" sambit ko sabay lahad sa cashier ng 1000 pesos.
Nang makuha ko na ang aking order nagsimula na kaming maghanap ng mauupuan. "Doon tayo oh!" sambit ko sabay turo doon sa vacant seats na nakita ko. "Where?" tanong ni Elisha. Nauna akong maglakad sakanila, kaya sinundan naman nila ako. Medyo maganda ang view mula dito sa kinauupuan namin. "Ang ganda dito." -Elisse
Tumango nalang ako. "Go now Amari. So, spill it." -Elisha. Ay? Grabe? Hindi pa ako nakakatikim ng inorder ko, tapos uunahin ko pa yung pagkukuwento? "Chill, Elisha. Maikukuwento ko rin sayo iyan. But, first let me sip on my Macchiato." sagot ko
Tango lang ang sagot niya sa akin, kaya I started to sip on my Macchiato. "Nothing change." ani ko. Caffee Machiato is my favorite one. <3 Wala na akong hahanaping iba pa. Charrr. Anyways, sige na nga magkukuwento na ako. :3 Hihi~ hanggang ngayon kinikilig pa rin ako...
"Oh eto na ikukuwento ko sa inyo ang nangyari.."
[Sa POV nalang ni Lester ipopost yung nangyari]
"What?! Ganun kadali lang? Eh ayun naman pala eh!! Easy to get lang siya! Haynako" -Elisha
Eh? Bakit parang uminit ang ulo niya? Huhu wala naman akong ginawa ah. :3 I continued to sip on my Macchiato. "Hoy Amari! Sigurado ka bang nakuwento mo na lahat? Baka may ini-skip kang part." -Elisha
Eh? Huhu nakuwento ko naman lahat ah. Ano kayang problema niya? "Oo, nakuwento ko na lahat wag kang mag-alala. Wala akong ni-skip, wala din akong dinagdag. Okay na?" ani ko. Tumango nalang siya at nanahimik kaming tatlo para ubusin ang natitira naming order.
Pagtapos naming ubusin ang order namin, umalis na kami sa cafe at sumakay sila sa kotse ko. Hehe syempre dala ko ang Porsche ko, hindi pwedeng mawala yan! "Sumabay ka na sa akin, Elisha." ani ko. Magkalapit lang ang bahay namin ni Elisse, kaya dati sumasabay siya sa kotse ko papunta sa aming school. Wala pa kasi siyang kotse.
Sumakay na kami sa aking magandang kotse at nagsimula na ako mag-drive. "Hayyy! Ang ganda ganda ng araw na 'to!" sambit ko. "Una, nakita ko si crush. Pangalawa, nagpakilala sa akin yung mga kaibigan niya. Hihi~ tapos panghuli KYAAAAH~ binigay niya sa akin ang cp number niya. Huhu ang saya saya ko ngayon." ani ko. Nanatili silang tahimik. Si Elisse na nasa tabi ko at si Elisha na nasa back seat na mukang malalim ang iniisip.
"Huy! Nakikinig ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Oo, wag kang mag-alala." -Elisse
Erkey. Akala ko naman nasasayang lang laway ko dito sa kakasalita, tapos hindi naman pala sila nakikinig. :3
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...