Chapter 43
Foundation Day
Natulala ako kay Lester. Seryoso ba siya sa tinatanong niya? "Me? I'm Dylan Sebastian Tor res. Grade 12 din. You? Sorry ah, I'm just a new student here. I don't know you." Lumingon naman ako kay Dylan at pinanlakihan ng mata, nagkibit balikat lamang siya.
"Oh what an idiot! Hindi mo ako kilala?" humalakhak siya. Nilahad niya ang kanyang kamay kay Dylan, "I'm Lester Rain Salvador. Grade 12, ang bully dito sa college department. Now, you know me? May isang tanong lang ako sayo, kaano-ano mo ba si Elisha?" Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano bang pake niya kung kaano ano ko si Dylan, he didn't mind at all.
Napatayo naman ako dahil mukang magaaway na ang dalawang 'to. "Enough! Let's go Dylan. Nasasayang lang ang oras natin dito. Let's go." Mukang hindi ata narinig ni Dylan ang sinabi ko dahil busy ata siya makipagtitigan kay Lester.
Baklaan?
Hinila ko si Dylan dahilan kung bakit naputol ang kanilang mainit na pagtitigan. We went out of the gym at dumiretso na ako sa labas. Uuwi na ako. "Bukas nalang tayo mag-usap, Dylan. Uuwi na ako, medyo late na ako ngayon baka hinahanap na ako. Sige." I raised my hand as my goodbye. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya hinahanap niya naman ngayon ang mga mata ko.
Tumalikod na ako at naghanap na ng masasakyan. Hindi pa siya umaalis kung saan siya nakatayo kanina hanggang sa makasakay na ako. Hay! Ewan ko sayo, Dylan! Bakit kaya ang gwapo mo pa din kahit galit ako sayo?
Paguwi ko agad kong naabutan si Elijah na nanonood ng cartoons. "Medyo matagal kang umuwi ngayon, te. May ginawa ka ba?" Oo may ginawa ako pero hindi naman masaya. "Wala ah." sagot ko
Umakyat na ako para magbihis. Pagtapos kong magbihis, inopen ko kaagad ang aking messenger. Hindi nga ako nagkakamali sa inaasahan ko.
*Dylan Sebastian Torres*
Dylan: Uy sorry kanina! Hindi ko lang talaga mapigilan yung galit ko, but when you held my hand mabuti nalang at hindi natuloy. Thanks and sorry :)
Uminit naman ang sistema ko. Kahit galit siya kay Lester, hindi ko siya mapipigilan atleast he cared for me. Nagtype naman ako ng aking sagot.
Me: Okay lang. I accept your apology. Thanks din pala kanina sa treat.
We talked about several minutes hanggang tinawag na ako ni Elijah na magdinner. I bid my goodbye to him before I stormed out my room.
..
Kinabukasan, another day. I checked my phone and saw 1 message from Dylan.
Yes, we exchanged numbers yesterday.
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...