Chapter 48
Foundation Day
"ELISHA MAXENE LEWINS! ANONG ORAS MO BALAK BUMANGON!?!!?!" Napabalikwas ako ng aking kama. Fuck! I glance at my alarm clock. Hindi ba ito nagalarm kagabi? 7:00 AM!?!
Tinapunan ko ng tingin si Elijah na bihis na bihis. Gusto ko pa sanang tumawa sa suot niya pero nagaalab na ang tingin niya sa akin.
"Anong oras ang start ng booth niyo?" tanong niya
"7:30" sagot ko
"Damn! Anong oras na!?"
"7:00"
"Puta! Magbihis ka na!"
Lumabas na siya sa aking kwarto. Hindi na ako nagdalawang isip kumuha ng masusuot kaya hindi ko na alam kung ano ang nakuha ko. Nagmadali akong maligo at hindi ako kontento 'don pero wala akong magagawa.
Sa kotse na ako nagsuklay. Todo irap naman ni Elijah kapag natatalsikan siya ng basa sa buhok ko. Nagpulbo lang ako at nilagyan ng kolorete ang aking labi. Hindi ko na magawang tingnan kung ano ba ang itsura ko. Dinampot ko sa ilalim ng backseat ang flats ko at minadaling suotin ito.
Saktong 7:30 kami nakadating sa school. Sinalubong agad ako ng tingin ni Kath. "Hoy, may balak ka bang magreply sa mga text ko?"
"Huh? Nagtext ka ba?" Kinapa ko yung cellphone ko sa bag at napapikit ng maramdamang wala ito. Kinapa ko din ang bulsa ko at wala din akong naramdaman. Damn! Ang malas ko sa araw na 'to!
Hinagilap ko si ate Dana at nandun siya sa may bench at mukang may ipinapamigay. Tiningnan ko ang suot ni Kath at mukang ayun yata ang sinasabi ni ate Dana na isusuotin namin. Lumapit ako sa kanya at binati.
"Heto yung sayo. Nalate ka ata ngayon?"
Hilaw na ngiti lang ang ibinigay ko. Nagpasama ako kay Kath para magbihis. Napansin kong iba ang kulay ng shirt ko sa shirt niya.
"Oh. My. Goodness!" aniya
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
"Kayo ata yung parehas ng kulay ni Lester!"
"Huh?" What the?
"Sabi kasi sa akin ni ate Dana may dalawang magkaibang kulay ng shirt pero parehas naman ng print. Nasayo yung isa at na kay Lester ang isa! Dios ko! Couple shirt ang dating niyo!" Humagalpak naman siya sa tawa
"Huh? Edi palit tayo!" Nagmakaawa pa ako sa bruha hindi naman pumayag.
YOU ARE READING
Heartless Guy
Teen FictionLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...