Chapter 4

22.1K 372 19
                                    

'I've been watching you for some time. Can't stop staring at those ocean eyes. Burning cities and napalm skies. Fifteen flares inside those ocean eyes, your ocean eyes.'

'No fair, you really know how to make me cry when you give me those ocean eyes. I'm scared, I've never fallen from quite this high, falling into your ocean eyes— those ocean eyes.'

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Ngayon ko mas naramdaman ang pagod mula sa dalawang meeting ko sa araw na 'to. Habang pinapakinggan ko ang isa sa mga paborito kong kanta ay hindi ko maiwasan na maalala ang itinanong sa akin ni Jaja kanina.

"Siya pa rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo makuhang magmahal ng iba? Hanggang ngayon ba, si Kuya Ged pa rin ang laman niyan?" Tanong niya na nakapagpatahimik pang lalo sa akin. Mataman ko siyang tinignan pero hindi ako nakasagot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na nakapagpaestatwa sa akin. Gustuhin ko mang sumagot ay walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Simula ng maghiwalay kami ni Ged ay hindi namin napag-uusapan ang tungkol dito. Wala ni isa sa pamilya ko ang nagpumilit na tanungin ako kung ano na ba ang lagay ko at ipinagpapasalamat ko 'yon. Ngayon pa lang nangahas si Jaja na itanong sa akin 'to. At sa hindi ko pa inaasahan na pagkakataon. Hindi ko man lang napaghandaan kung ano ang dapat kong isagot.

Sa totoo lang, ayoko naman talagang pag-usapan pa ang mga nangyari. Minsan kapag nababanggit ng mga kaibigan ko si Ged ay agad kong iniiba ang topic. Hindi naman sa bitter ako, pero ito kasi ang way ko para makalimutan siya. Para tuluyan na akong maka-move on sa kanya.

"Sorry. Aware naman ako na ayaw mong pag-usapan 'to. It's just that, gusto ko lang malaman kung ano na bang lagay mo. Alam ko namang hindi madali dahil ang tagal ng pinagsamahan niyo but I also want to know if may progress ba sa moving on process mo?" Bumuntong hininga siya bago nag-iwas ng tingin. "Hay, nako! Okay. Hindi na ako ulit magtatanong. Shut up na lang—"

Hindi na naituloy ni Jaja ang sasabihin niya nang bigla akong magsalita at hawakan ang kanyang kamay. "I'm slowly getting there, Ja. Konting panahon pa makakaahon rin ako ng tuluyan kay Ged." Nakangiting sagot ko sa kanya. Mapang-unawang tingin ang ibinigay sa akin ng kapatid ko bago kami bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

'I've been walking through a world gone blind. Can't stop thinking of your time and life. Careful creature made friends with time . You left her lonely with a diamond mind and those ocean eyes.'

'No fair, you really know how to make me cry when you give me those ocean eyes. I'm scared, I've never fallen from quite this high, falling into your ocean eyes— those ocean eyes."

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Mama. Agad kong tinanggal ang earphones ko at pinatay ang tugtog sa playlist ko. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard.

"Matutulog ka na ba, anak?" Tanong niya bago naupo sa tabi ko.

Marahan akong tumango at niyakap ang unan ko. "Opo, Ma. Medyo inaantok na po ako. Napagod po ako sa meeting namin kanina."

Lumapit sa akin si Mama at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. "Sorry nga pala kung kinulit kita kanina. I was just worried. Matagal na rin nung huli kang nagkaroon ng boyfriend." Sabi ni Mama habang patuloy sa pagsuklay ng buhok ko.

"Okay lang, Ma. Wala pa namang nagkakamali ulit na ligawan ang panganay niyo. Alam kong sasabihin niyo po na maganda ako, at totoo naman 'yon kasi mana ako sa inyo pero ayaw ata talaga nila sa workaholic na katulad ko." Natatawa kong sagot sa kanya.

Begin AgainWhere stories live. Discover now