Chapter 20

17.9K 367 33
                                    

"What is it again, Jho?

Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng kaba at tila nawalan ako ng sasabihin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa buong katawan at namumutla ako ngayon.

I bit my lower lip. I want to scream. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko 'cause I didn't expect na gugustuhin akong makilala ng Papa ni Jho. Pero, bakit ako? Anong dahilan niya?

"Jhoana? Are you still there? Hello?"

"Hindi mo ba talaga narinig, Bea?"

"I'm sorry. Si Deanna kasi, eh. Kinukulit ako. Kung anu-anong ginagawa dito." Pagpapalusot ko. Wala naman talagang ginagawa si Deanna. Tahimik lang silang nakaupo ni Kianna sa couch habang hinihintay na matapos ang pag-uusap namin ni Jho.

"Gusto ka daw makilala ni Papa bukas."

"Oh, okay. Akala ko naman kung ano na. Sure. I'll be there tomorrow before eight. Eight pa naman ang dinner, right?"

"Yes, 8PM pa. Sige, see you tomorrow! Bye." Pagtapos no'n ay narinig ko ang pag-end ng tawag mula sa kabilang linya.

Pabagsak akong naupo sa couch. Ilang beses pa akong napahinga ng malalim. Nakatingin lang sa akin sila Deanna na para bang naghihintay sa sasabihin ko.

"Guys, I'm doomed." Kinuha ko ang throw pillow at itinakip sa aking mukha.

"Ano bang sinabi?" Tanong ni Kianna.

Ibinaba ko ang hawak kong unan bago sumagot. "Gusto daw ako makilala ng Papa niya." Napakagat-labi ako.

"Ate Bei, ipapakilala ka lang naman pero bakit para kang bibitayin d'yan?" Natawa ng marahan si Deanna. "Remember, wala pa kayong label kaya sigurado ako na ipapakilala ka lang niya bilang kaibigan. Oo, nag-I love you na siya sa'yo last night, pero huwag mo rin kalimutan na tulog siya noong sinabi niya 'yon sa'yo. I-save mo na lang 'yang kaba mo kapag ipapakilala ka ng girlfriend ni Ate Jho sa Papa niya."

"Deann's right. Don't be so OA, Bei." Dagdag pa ni Kianna.

But, seriously, kinakabahan talaga ako. Tama naman sila pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kaba.

"Mauna na pala ako mga ate. May date pa ako. And, Ate Bei, I sent you a copy of my mixtape, check mo na lang sa email mo." Deanna said. Tumayo na siya at kinuha ang gamit niya.

"Sabay na ako, Dean. Magkikita pa kami ni Marck." Tumayo rin si Kianna at sumunod kay Deanna. Bago siya makalabas ng pinto ay nagsalita siyang muli. "Gather yourself, Bei. Mukha kang tanga sa itsura mo. Hindi bagay sa'yo."

Ilang minuto matapos makaalis nila Deanna ay naisipan kong tawagan si Marge. Agad naman niyang sinagot 'yon.

"What is it, Beadel?" Bungad niya.

"Wala man lang 'hello', Margarita?"

"Hello, Isabel Beatriz. Pwede na ba 'yon? Okay na ba?"

"Pwede na."

"So, anong kailangan mo?"

"Na-miss lang kita." I said with sarcasm. "Tumatawag lang ba ako sa'yo if I need something?"

"Uhm. . .parang gano'n na nga? Pero bakit ka ba kasi tumawag?"

"I need your help." Frustrated kong sagot. "Where are you? Puntahan kita."

"Wow! The one and only BDL will pay me a visit. Dooms day na ba?"

"Marge naman! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko tapos kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa'yo." Nakakainis naman kasi 'tong si Marge. Ang dami pang sinasabi.

Begin AgainWhere stories live. Discover now