"Can I come with you? Isama mo na lang muna ako." Jhoana said.
I immediately smiled and nodded after she said that to me. Sino ba naman ako para tumanggi sa hiling niya? Of course, I would love to bring her with me. Gustong-gusto ko na makasama siya. And hell, I won't allow that Ged to see her.
Hinintay ko siyang makasakay muli sa sasakyan niya bago ako nag-drive. We agreed na mag-convoy na lang kami papunta sa Reserve since hindi niya naman pwedeng iwan ang sasakyan niya dito sa parking lot ng mall.
After almost fifteen minutes of driving ay nakarating din kami. I parked my car next to Kiann's Fortuner. Sa tabi ng sasakyan ko naman ipinarada ni Jho ang kanyang Montero Sport.
Nang makababa siya ay hinawakan ko ang kanyang kamay at saka naglakad papasok sa loob. Dumiretso kami kung saan nakapwesto sila Kianna at Deanna. They're eating their dinner right now. Gutom na daw sila kaya hindi na nila kami nahintay.
Jhoana did some catch up with my best friends, while me, on the other hand decided to order Adobo Twist, Grilled Salmon with Teriyaki Sauce and Maltesers Ice Cream for us. 9PM pa naman ang start ng set ko kaya pwede pa kaming kumain ng dinner.
It was 8:15PM and we're in the middle of eating our dinner when someone tapped my shoulder. Nilingon ko 'yon, only to find out that it's our friend. One of the owner of Satchmi.
Our Ate Yeye—Mika Aereen Reyes.
"Ate Ye." Tumayo ako para yakapin siya. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Every time kasi na pumupunta ako sa Satchmi ay si Ate Ara lang ang naaabutan ko. Madalang lang kasing bumisita si Ate Mika ro'n. Every Sunday to be exact.
"Surprise, Bei-Bei." Nakangiting sabi niya bago nagbeso sa akin pati na rin kay Kianna and Deanna. "Kianna texted me na nandito daw kayo sa Reserve. Nasa malapit lang ako that's why I decided to drop by. Wala rin naman kasi akong ginagawa."
Kaya naman pala hindi nagulat sila Kianna and Deanna sa pagdating ni Ate Mika, dahil alam pala nila.
"Long time no see, Ate Ye. Is Ate Ara with you?" Tanong ko.
Umupo siya sa tabi ni Kianna at umiling. "Nah. Ako lang mag-isa. Umuwi siya ng Pampanga kahapon. Bukas pa ang balik niya."
Tumango na lamang ako.
Napansin ko ang pagbaling ng tingin ni Ate Mika kay Jho na kasalukuyang nahihiya habang kumakain dito sa tabi ko.
"Who's that beautiful lady beside you, Bei-Bei?" Ate Mika asked.
Humarap ako kay Jho. Napatingin naman siya sa akin. "Ate Ye, this is Jhoana." Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Deanna.
"She's Ate Bei's special someone."
I saw Ate Mika's lips formed an 'o' habang parang nahihiyang napayuko naman si Jho. I can't help but smile at this sight. Jhoana's too cute when she's shy and blushing.
"She must be the girl na nakwento sa akin ni Ara the other day. Siya ba yung girl na palagi mo kasama sa Satchmi lately, Bei." Tanong ni Ate Mika. "Ara's right, ha. She's pretty nga."
I held Jhoana's hand under the table bago ako tumango bilang pagsagot sa tanong ni Ate Mika.
We spent another 15 minutes catching up. Hindi naman nahirapan si Jho na makasabay sa pinag-uusapan namin.
Five minutes after ng introduction ko sa kanilang dalawa ni Ate Mika ay para na silang may ibang mundo. Halos silang dalawa na lang ang nag-usap at nagtatawanan.
Twenty minutes before my set starts ay iniwan ko na sila. Binilin ko na lang sa kanila si Jho bago ko inayos ang laptop ko.
During my set ay tinitignan ko si Jho from time to time. I can say that she's enjoying the moment. Well, who wouldn't? Masarap naman kasama sila Kianns, Deanna and Ate Mika.
My set went well at pagkatapos noon ay napagkasunduan namin na umuwi na lang. Wala rin naman kasi kami sa mood para pumarty pa.
"So, see you when I see you guys." Paalam ni Ate Mika bago kami niyakap isa-isa. "Let's hangout soon, Jho. I'll get your number kay Bei-Bei. Okay lang naman, 'di ba?"
Jhoana smiled sheepishly. "Yes, Ate, text mo lang ako para ma-clear ko yung schedule ko for you."
"That's good. Tayong dalawa lang, ha? Hindi natin isasama si Bei." Natatawang sabi ni Ate Mika. Napa-pout na lang ako habang nag-thumbs up naman si Jho sa kanya.
Nakitawa na lang rin sila Kianna at Deanna.
"Alright, una na ako sa inyo." Pagkatapos no'n ay sumakay na si Ate Mika sa kanyang sasakyan at nag-drive na paalis.
Habang naglalakad kami papunta kung saan naka-park ang sasakyan namin ay busy sa cellphone niya si Jho. Nakakunot ang kayang noo habang nagtetext.
"Hey, is there something wrong? Are you okay?" I asked.
"It's Ja. She texted me." Humarap siya sa akin. "Nasa tapat pa rin daw ng bahay namin yung sasakyan ni Ged. 10:30 na pero hinihintay niya pa rin akong makauwi."
Napairap na lang ako sa sinabi niya. That Ged! Talagang hindi niya titigilan si Jho.
I immediately called Deanna na nauunang maglakad sa amin kasabay si Kianna.
"Bakit, Ate Bei?" Deanna asked.
"Wala kang dalang sasakyan ngayon, right?" Tumango naman siya. "Can you drive Jho's car? Ikaw na muna mag-uwi sa condo mo. Sa akin na lang siya sasabay pauwi."
Nagtatakang tinignan ako ni Jho. Hinawakan ko lang ang kamay niya at pinisil iyon. "Trust me, okay?"
Naguguluhan man ay pumayag na lang rin siya sa sinabi ko. Kinuha muna namin ang gamit niya sa kanyang sasakyan bago kami sumakay sa sasakyan ko. Then I started the car's engine and started to drive.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Jho. Walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan maliban sa music na nanggagaling sa stereo. Paminsan-minsan ko siyang tinitignan para makita kung anong ginagawa niya. Nakatingin lang siya sa bintana at pinapanood ang mga ilaw na nadaraanan namin.
"Beatriz. . ." Tawag niya sa akin. Nilingon ko siya. "Hindi ito yung daan pauwi sa amin. May pupuntahan pa ba tayo?"
Kinuha ko ang cellphone niya na nakapatong sa dashboard ng sasakyan ko. Iniabot ko 'yon sa kanya. "Call your Mom. Tell her you're with me."
Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
"I won't allow you to go home now that I know your ex-boyfriend's still there and waiting for you."
I held her hand and gave her a smile.
"I'm bringing you to my condo. You'll spend the night there with me."