My world was completely shattered when she left me crying in her living room. It felt like the odds were against me. It was like she's knocking me down and I will not be able to rise back up again. I didn't know what it was going to be like—to be without her.
Jhoana made me feel like how great it is to be in love. She made me feel like how it is to love the world mostly because she's in it. She gave me all the butterflies my stomach could ever have, even after years of being in each other's arms.
We were together for what felt like was my entire life. And I'll admit, it will be hard for me to transition from being with someone who's all I want, to being all by myself again.
I know I promised myself that I'm going to stay through whatever storm comes. But as much as I want to, I can't be the only one fighting. I can't be the only one trying to survive all the storms. I can't be the only one trying to save us.
I left her apartment after a few minutes. Nanghihina ako at tila namamanhid ang buong katawan. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Hindi matanggap ang mga nangyari kanina.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ibinigay mo ang lahat ng kaya mo pero wala kang napala. Sa kagustuhan kong ayusin at isalba ang relasyon namin ay lumubog akong mag-isa. Bumitaw siya at hinayaan niya akong umaasa.
Buong araw lang akong nanatili sa apartment ko. Para akong kandila na unti-unting nauupos. Inubos ang oras sa pag-iisip at paulit-ulit na pagtatanong sa sarili.
Kaya ko ba ang sakit? Kaya ko ba tanggapin na tapos na talaga? Kaya ko ba mabuhay nang wala si Jhoana?
Ilang hinga nang malalim ang ginawa ko para maibsan ang sakit na hindi ako sigurado kung kaya ko pang indahin.
What would I do now?
Dapat bang kausapin ko ulit si Jho? Sundan siya? Magmakaawa na tanggapin niya akong muli? Ibigay ulit ang lahat sa kanya hanggang sa maubos ako at wala na talagang matira sa akin?
Tatlong araw akong nagpahinga. Hindi ako umalis ng apartment dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pero matapos ang tatlong araw na pahinga na 'yon ay hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Wala na naman akong ibang ginawa kung hindi sundan si Jho.
Sa umaga, nag-aabang ako sa harap ng apartment niya. Pagkatapos ay susundan ko ang taxi na sinasakyan niya hanggang sa makarating siya sa opisina nila. Sa gabi naman ay hinihintay kong matapos ang trabaho niya, susundan ko ulit siya hanggang sa makasiguro akong maayos siyang nakauwi sa apartment niya.
Sa araw-araw na pagsunod ay nanatili lang akong nakatanaw sa kanya mula sa malayo. Wala akong lakas ng loob na lumapit lalo na at nakikita kong maayos naman siya. Parang wala lang sa kanya ang paghihiwalay naming dalawa. Ang sakit lang makita na kaya niyang wala ako, samantalang ako, nasasaktan at umaasa pa rin hanggang ngayon na maayos namin 'to.
Isang linggo na ganoon ang ginagawa ko hanggang sa makumbinsi ko ang sarili kong magsimula ulit at bumalik na lang sa Santa Monica. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon dahil ang manatili sa lugar na ito ay mas makakapagpahirap lalo sa sitwasyon ko.
Kailangan kong isalba ang sarili ko. I need to give myself a little consideration.
Matapos kong i-print ang ticket ko ay huminga ako nang malalim para alisin ang bara sa aking lalamunan. Napatingin ako sa side table kung saan nandoon ang note na isinulat ko kagabi para kay Jho.