'I've been thinking 'bout it, on my own, and all morning. Heavy on your shoulders, over and over. I'd settle for those forces.'
"You seem problematic." Napaigtad ako nang biglang may magsalita mula sa aking likuran. Nilingon ko 'yon at nakitang marahang naglalakad papalapit sa akin si Ponggay. Tinaasan ko lang siya ng kilay at muling ibinaling ang atensyon ko sa mini stage na tanaw mula dito sa second floor.
Nasa isang high end club kami ngayon kung saan may gig si Bea. Trey texted me at dito na ako dumiretso mula sa trabaho. She also made sure na sa VIP lounge kami nakapuwesto para maging komportable kami. May sasabihin daw kasi si Bea pagkatapos ng set niya and she wants us to be complete.
"I'm not." Tugon ko pagkatapos ay ininom ang hawak kong ladies drink.
'You feel it in your bones but you won't act on it. There's something in your mind but you won't talk talk talk about it. The sun surrenders, my mind wants to give me up.'
"Bakit ka mag-isa dito?" Kinuha niya ang isang bote ng beer, pagkatapos ay tumayo siya sa tabi ko. "Where's Ate Trey and Jho?"
"May kausap si Trey sa baba while Jho's in San Fo. Isinama siya ni Jamie."
"Buti pumayag si Bei?" Ngumuso si Ponggay. "As far as I can remember ayaw niya na nalalayo si Jho sa kanya."
Nagkibit-balikat ako. "Five days lang naman daw and si Jamie naman ang kasama kaya pinayagan na niya. Besides, busy rin naman siya sa work."
"I see." Tumango-tango siya.
Tumingin akong muli sa mini stage at pinagmasdan si Bea. Busy siya sa kanyang laptop at MIDI controller. Pero ganoon pa man ay kitang-kita ang pag-eenjoy niya sa kanyang ginagawa.
Humalukipkip ako at ngumuso habang nakasandal sa railings. Hindi ko maiwasang titigan siya mula sa malayo. Simula pa kaninang dumating ako dito ay hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.
"She's hot, 'no?" Pahayag ni Ponggay. Lumingon siya sa akin. "You like her, right?"
"H-huh?"
"You like Bea."
Bigla akong kinabahan. Hindi ako nakasagot. Ilang beses akong napalunok hanggang sa nag-iwas na lang ako ng tingin.
"The way you look at her, parehas kung paano siya tignan ni Jho." Pahayag niya matapos muling uminom ng beer. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "But then again, hindi ka na dapat tumitingin sa taong nakatingin naman sa iba."
"Pongs, n-no."
"You don't need to deny it, Mads, because it's too obvious. I'm not sure if Bea's dense or what? But I'm pretty sure, sooner or later, mahahalata rin niya."
Napailing ako at muling napalunok. Bea's not dense dahil may alam siya. Kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya ay alam na alam niya. "I-I don't like her, Pongs." Pagtanggi ko.
"Huwag ako, Madeleine. I know you too well." She sighed. "You're like a sister to me. Kahit na palagi kitang iniinis, I still want what's best for you. So please, pigilan mo kung ano man 'yang nararamdaman mo. She has a girlfriend at alam mo rin kung gaano niya kamahal si Jho. Hindi mo naman siguro gustong makasira ng relasyon, 'di ba?"
''Cause I've been thinking 'bout it and I've been dreaming 'bout you. Won't do a thing about this 'cause I don't wanna ruin you. I been, I been tripping on ya. Haven't even got a clue. Won't do a thing about this 'cause I don't wanna ruin you.'
Tumingin sa akin si Ponggay at nginitian ako. "The song fits your feelings for her." Paglipas ng ilang segundo ay hinaplos niya ang braso ko. "Think about what I said, okay? Puntahan ko lang si Ate Trey."