Chapter 17

17.7K 380 34
                                    

"Jho, gising na. Tulungan mo kami ni Jia maghanda ng breakfast." Marahan akong niyuyugyog ni Ate Ella. Umungol ako at isiniksik ang sarili ko sa katabi kong natutulog pero hindi pa rin ako tinigilan ni Ate Ella. "Jhoana!"

Naiinis akong bumangon at naupo. Nang lumabas si Ate Ella sa tent ay muli akong nahiga sa tabi ni Bea. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata ngunit pumikit muli ako nang makita kong madilim pa rin ang paligid.

Ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman kong may pumasok na naman sa loob ng tent at hinila ang paa ko. Napasigaw ako na naging dahilan nang pagtawa ni Jia. Sa gulat ko ay naibato ko sa kanya ang maliit na unan na ginamit ko magdamag.

"Ano ba, Ju? Hindi ba pwedeng matulog ulit ako?" Naiinis kong sigaw. Itinuro ko sa kanya ang labas. "Madilim pa, oh!"

"Huwag ka ngang sumigaw, Jho. Kalma ka lang. Baka magising si Bea." Malumanay niyang sagot.

Bumangon ako at itinali ang aking buhok. "Anong oras na ba?"

"Quarter to five in the morning."

"Quarter to five pa lang pero kung gisingin niyo ako ni Ate Ella parang tanghaling tapat na."

"Bes, wala tayo sa hotel na pwede tayong magpa-room service ng almusal. Tayo ang kikilos dito kaya tumayo ka na d'yan. Dapat nga bumabawi ka ngayon sa amin dahil pinag-alala mo kami kagabi. Sumunod ka na para matapos agad tayo." Lumabas si Jia at isinara ang tent. Naiwan ako ro'n na tinatamad pa rin tumayo. Kinuha ko ang jacket ko na nasa itaas ng bag ni Bea. Spaghetti strap sando lang ang suot kong pang-itaas kaya pinatungan ko iyon.

Nang maisuot ko ang jacket ay nilingon ko si Bea na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Masyado ata talaga siyang napagod kagabi kaya hindi man lang siya nagising kahit ang lakas ng boses naming dalawa ni Jia habang nag-uusap. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha at inilagay 'yon sa likod ng kanyang tainga bago tuluyang lumabas. Hindi ko naiwasang mapangiti sa nakita ko. Para siyang isang anghel na natutulog.

Nang makalabas ako ay nakita ko si Ate Ella na nag-iihaw ng isda. Tumabi naman ako kay Jia na nagpapalaman ng baon niyang Nutella sa tinapay.

"Anong maitutulong ko sa inyo?"

"Wala naman. Actually kaya na namin 'to ni Ju pero ginising ka lang namin para magpakwento kung anong nangyari sa'yo kagabi." Sabi ni Ate Ella.

"Oo nga, bes. Ano 'yon? Nag-soul searching ka ng tatlong oras?" Dagdag pa ni Jia.

Ilang minuto akong natahimik. Tinatantya kung paano ko uumpisahang sabihin sa kanila ang nangyari kagabi. Akala ko ay wala ng magtatanong dahil nakabalik naman ako ng maayos. Bakit nga ba hindi ko naisip na may continuation 'to kinabukasan lalo na't may kaibigan akong katulad nina Jorella Marie de Jesus at Julia Melissa Morado na hindi pinapalagpas ang mga nagaganap sa buhay ko.

"Naglakad-lakad lang ako kagabi. . .tapos nakita ko si Maddy." Kinuha ko ang bottled mineral water na nakita kong ininuman ni Jia kanina at uminom ako ro'n. "N-nag-camping rin sila dito. She's with her friends. . .and G-Ged."

Itinigil nila ang kanilang ginagawa at tumingin sa akin. "Ged? Cotoco?" Sabay nilang tanong. Tumango naman ako bilang sagot.

Binitiwan ni Ate Ella ang hawak niyang pamaypay at lumapit sa amin ni Jia. "Anong nangyari? May ginawa ba siyang masama sa'yo kagabi?"

Begin AgainWhere stories live. Discover now