Chapter 82

9.6K 230 103
                                    

"I need to go. Maddie's waiting for me."

Nang umangat muli ang aking tingin kay Beatriz ay nakita ko siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin. Huminga ako nang malalim para pigilan ang aking sarili sa patuloy na pag-iyak at para tanggalin ang bara sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng panghihina sa aking sistema. Panghihina na sobrang pamilyar sa akin. Naramdaman ko na ito dati at natatakot akong baka matagalan bago ako makaahon ulit.

Beatriz succeeded on making me feel unimportant a while ago. Pinaramdam niya na isa na lang akong alaala na hindi na dapat pang balikan. Isa na akong nakaraan na nagawa na niyang kalimutan.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina. Gusto ko ulit maramdaman yung saya at pagmamahal na ibinigay niya sa akin noong kami pa. Gusto kong bumalik sa dati ang lahat. Kulang na lang ay tumakbo ako palapit sa kanya habang naglalakad siya palayo sa akin at kumapit ako nang mahigpit sa kanyang katawan para maparamdam kong hanggang ngayon ay kailangan ko pa rin siya.

Siguro nga nasisiraan na ako ng bait. Ipinagpipilitan ko ngayon ang sarili ko sa taong ilang beses kong ipinagtulukan palayo noon.

Napangiti ako nang mapait. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang huling usapan namin sa Japan.

'Ganoon na lang ba talaga, Jho? Susuko ka na lang ba talaga? Kasi ako, hindi kita kayang sukuan. Kaya kong tiisin ang panlalamig mo. Kaya kong tiisin ang lahat ng mga sumbat at masasakit na salita galing sa'yo. I wouldn't mind getting hurt over and over as long as you will let me stay with you. I wouldn't mind going through the same pain again and again as long as you will let me love you.'

Sinubsob ko ang aking mukha sa aking mga palad. Yes, she didn't mind getting hurt over and over. She didn't mind going through the same pain again and again. Hindi nga siya nagsawang suyuin ako. Ako ang nagsawa. Ako ang napagod. Ako ang bumitaw.

Nang umalis ako sa Santa Monica ay sinundan niya ako sa Japan. Just now, I realized that immaturity had eaten me back then. But she stayed. She stayed even when I kept on pushing her away. But I went too far on our last argument. I told her that I didn't love her anymore.

Hindi ko na mababawi ang mga nasabi ko noon. Kung mararamdaman ko ulit ang ganoong klase ng sakit at pamamanhid ay nasisiguro kong ganoon pa rin naman ang maisasagot ko. Wishing for a change is illogical because I know that it's already impossible. Kahit ano pa ang gawin ko ay walang mangyayari.

Napahikbi ako. Thinking about the possibility of Beatriz and Maddie being together destroyed all my hopes, yet here I am, almost gripping on tempt of desperation that is obviously putting me on a state of being surreal. And then another word from her last letter to me popped on my mind.

'I wish you happiness, Jho. I will miss you. I love you.'

Bumuntong hininga ako at saka naglakad papasok sa loob ng elevator. Nang marating ko ang lobby ay agad kong tinungo ang banyo para maghilamos. Humulas na ang make-up ko dahil sa matagal na pag-iyak. Hindi na sana ako mag-aayos ulit dahil pauwi naman na ako pero kailangan kong takpan ng concealer ang pamamaga ng aking mata. Nang matapos ako ay inayos ko kaagad ang aking gamit. Binitbit ko ang aking shoulder bag at nilisan ang building.

Nagkulong ako sa aking kwarto nang makarating ako sa bahay. Nakaupo lang ako sa kama habang nakatulala sa kawalan. I'm starting to feel depressed at hindi ko alam kung paano ito mapapawi. Nasa ganoong pag-iisip ako nang tumunog ang cellphone ko mula sa side table.

Tinignan ko 'yon at nakita kong may message si Jia.

From: Julia de Guzman

Jho, where are you?

Begin AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora