"You okay, Mads?" Tanong ni Therese matapos niyang sabihan na mag-coffee break muna ang ilang staff na kasama namin dito sa studio.
Tumango ako at tumingin sa kanya. "Yup. I'm fine." Kinuha ko ang bottled water sa table at uminom doon.
Ginulo niya ang buhok ko at saka naupo. "You look stress. Sabi ko naman sa'yo huwag na kayo sumama ni Ponggay sa akin. Puyat ka sa blue print na ginawa mo kagabi tapos nandito ka ngayon para tulungan ako."
"Okay lang ako. Ano ka ba?" Sagot ko.
Napailing na lang siya. Napatingin ako sa loob ng cubicle. Namataan ko si Ponggay na pinaglalaruan ang electronic drum kit habang si Bea naman ay abala sa MIDI controllers. Umawang ang bibig ko nang mapatingin sila sa akin. Bea smiled at me. Binaling ko agad ang tingin ko kay Therese.
I took a deep breath. Hindi ako sanay na nginingitian niya ako. Kung basta-bastang babae siguro ako ay ngingitian ko siya pabalik at lalapitan siya to start a conversation. BDL na 'yon, eh. A lot of guys and girls would do anything to get her attention.
Inalis ko sa isip ko ang ideya na 'yon. Ngumiti ako ng pilit at ibinalik ang atensyon ko sa hawak kong papel.
I have to keep my distance. Sa pagkakaalam ko ay may girlfriend siya. Hindi ko lang sigurado kung hanggang ngayon ay sila pa rin nung babaeng kasama niya sa coffee shop. Simula kasi nang makabalik ako mula sa bakasyon ko sa Pilipinas ay hindi ko pa sila nakikitang magkasama. Though madalas ko siyang nakikita na may kausap sa phone.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pag nasa paligid siya. Gusto kong balewalain 'yon. Dapat akong lumugar. We're not even close. Nagkakausap lang kami pag may pinapasabi si Therese. Other than that, wala na.
Agad kong niligpit ang mga gamit ko nang matapos ang ginagawa nila.
"May gagawin pa ba kayo? Gimmick tayo." Tanong ni Ponggay. Parang hindi siya napagod sa panggugulo niya dito sa studio.
Binato ko sa kanya ang hawak kong water bottle na ngayon ay wala ng laman. "Aren't you tired? You've been so hyper the whole day."
"May energy pa ako, Yrenea. Ikaw nga wala ka pang tulog pero mukhang may energy ka pa rin. Ako pa kaya na 8 hours ang tulog kagabi?" Ponggay answered. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pass muna ako, Pongs. Pupunta akong Philz."
"Ang KJ mo talaga, Mads. Para kang si Bei." Matabang niyang sagot.
"Dinamay mo pa si Bea." Tinalikuran ko siya at lumabas na ng studio. Habang naglalakad ako papunta sa elevator ay may nakabangga pa ako.
Natigilan ako nang malanghap ko ang pamilyar na pabango—Victoria's Secret Bombshell. Humarap sa akin si Bea na nakaharang sa pinto ng elevator at mukhang nag-ttype ng message.
"Mads." She smiled at me. I frozed for a second.
"Ikaw pala 'yan, Bea." Thank God, hindi ako nautal. "Pauwi ka na?"
"Nah. May pupuntahan pa ako."
Lumunok ako at marahan na tumango.
"How about you? Are you going home na?"
"I'm going to Philz."
"Oh? Doon din ako pupunta." She said, still looking at her phone. "Sabay ka na sa akin?"
Muntik na akong masamid. Sinarili ko na lang ang aking pagkabigla. "You sure?"
Tumango siya sabay ngiti. Pumayag akong sumabay sa kanya bandang huli.
"Si Trey ang batchmate mo nung college, 'di ba?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "Pero mukhang mas close ka kay Ponggay."