Chapter 46

16.1K 390 55
                                    

"Ja, okay ka lang ba?" Marahang tanong ko kay Jaja nang makalabas kami ng arrival area. Nakahawak siya sa kanyang ulo habang nakakunot ang noo. Mid-October na at kagaya ng naipangako ko sa kanya, nag-set si Beatriz ng out of town trip para naman makapagrelax siya during her semestral break. Isang semester na lang kasi ay makaka-graduate na siya.

"Hindi na talaga ako iinom ng marami kapag may flight ako kinabukasan." Halos pukpukin na niya ang kanyang ulo dahil sa hangover. "Tangina naman kasi. Kasalanan talaga nila Mirgie 'to." I bit my lower lip to stop myself from laughing. Tumingin rin ako kay Beatriz at mukhang nagpipigil rin siya ng tawa.

"Malapit lang naman 'tong airport sa resort na tutuluyan natin. Thirty minutes lang na byahe tapos pwede ka nang matulog. You can take a nap too while we're on our way to the resort." Pag-alo ni Beatriz sa kanya. She nodded as a response.

Nang makalabas na kami ng airport, nakita agad namin sa waiting area ang resort staff ng Panja Resort Palawan kung saan nagpa-book ng hotel reservation si Beatriz.

"Hello, Ma'am." Bati sa amin ng lalaki. I nodded and smiled at him. Naramdaman ko naman ang biglang paghawak ni Beatriz sa kamay ko. Ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa bag ko.

Nginisihan ko siya. "Chill. Nginitian ko lang si Kuya. Walang masama ro'n."

Nginisihan niya ako pabalik pero alam kong fake 'yon. "Huwag ka ngumingiti kung kani-kanino."

Sinimangutan ko siya at hinampas sa braso. Tumawa lang siya.

Kinuha ng resort staff ang mga gamit namin at isinakay 'yon sa van. Paglipas ng ilang minuto ay sumakay na rin kami ro'n.

"Diretso na tayo sa hotel, Love?" Tanong ko kay Bea. Narinig ng resort staff ang tanong ko kaya bigla siyang sumagot.

"Kung gusto niyo po, Ma'am, pwede po tayo dumaan sa KaLui Restaurant. Three minutes ride lang po 'yon mula dito sa airport. Baka po nagugutom na kayo? Masarap po ang mga pagkain nila. Sigurado po ako na magugustuhan niyo ro'n." Paliwanag nito.

Tumango ako. Pagkatapos ay sumandal ako kay Beatriz. Tinignan ko si Jaja kung ano ang ginagawa niya. Nakasandal siya sa bintana at mukhang nakatulog na. Malala nga siguro ang hangover niya kaya hindi niya na magawang mangulit.

Bumaling akong muli kay Beatriz para tanungin kung okay lang sa kanya na kumain muna kami sa restaurant na sinasabi ng resort staff.

"No." Pinal niyang sagot.

I frowned. Heto na naman po kami sa ganitong sitwasyon. Umpisa pa lang ng bakasyon namin pero mukhang may topak na ang girlfriend ko.

"I'm hungry, Love." Matamlay kong sabi. Sinubukan kong magpaawa at baka sakaling pumayag siya.

Tumikhim si Beatriz at nagbuntong hininga.

"If you're hungry, magpa-room service na lang tayo sa resort. Nakita mo namang bagsak na 'yang kapatid mo, oh. Hayaan mo na muna siya magpahinga."

Dahan-dahan akong tumango at tumahimik pagkatapos.

"Huwag ka na magtampo, okay?" Biglang nagsalita si Beatriz.

"Hindi ako nagtatampo. Okay lang." Pumikit ako at sumiksik na lang sa leeg niya.

Pagdating namin sa Panja Resort Palawan ay sinalubong kami ng panibagong staff sa lobby. Binigyan niya kami ng four seasons beverage. Nakaramadam ako ng ginhawa matapos kong sumimsim doon. Ilang minuto pa ang lumipas at nag-check in na kami. Dalawang kwarto ang kinuha ni Beatriz. Isang kwarto lang sana ang balak niya pero nagsabi si Jaja na ayaw niya kami maka-share ni Beatriz. Kailangan niya raw kasi ng privacy at sigurado siya na gano'n rin kami.

Begin AgainWhere stories live. Discover now