Chapter 86

6.6K 126 259
                                    

"Hey babe, wake up." May naramdaman akong tumatapik ng marahan sa braso ko. Hindi ko iyon pinansin dahil inaantok pa rin ako at gusto ko pang makabawi ng tulog sa ginawa kong pagpupuyat kagabi. Ngunit mayroong boses na gumigising sa akin. "You promised me we'll go out today."

"Ano ba. . ." Inis kong tugon kasabay ng pagtabig sa kamay na patuloy pa rin ang pagtapik sa akin. "Inaantok pa nga ako."

"Come on." Natatawang sabi niya. Nanatili pa rin akong nakahiga. Inaantok pa rin at gusto pang kumuha ng mas mahabang tulog. "You have to get up."

Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko ang unan ko at niyakap iyon ng mahigpit. Biglang nag-ring ang cellphone ni Ysay at naramdaman kong lumabas siya ng aking kwarto. Muling bumibigay ang diwa ko sa pagtulog. Ngunit hindi pa ata lumilipas ang ilang minuto ay naramdam ko ang muli niyang  pag-upo sa gilid ng kama ko. Ang sunod ko na lamang naramdaman ay ang pag-angat ko mula sa kama dahil binuhat niya ako. Tuluyan akong nagising at napilitang idilat ang aking mga mata.

"Ysay, inaantok pa nga ako. Ano ba?" Bulong ko. Inayos ko ang pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang dibdib. Wala akong enerhiya para makipag-talo sa kanya. Pumikit akong muli habang buhat niya pa rin ako. Nang mapansin niya iyon ay naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na magpakapuyat ka kagabi sa trabaho? Pwede naman sa ibang araw mo iyon gawin." Buong-buo ang kanyang boses ngunit marahan ang kanyang pagkakasabi.

"I'm sorry, okay? Tinapos ko lang naman lahat ng dapat tapusin para hindi ko na isipin ang trabaho pag-alis natin next weekend. Kaya please, hayaan mo muna akong matulog ulit." Inaantok kong tugon.

"No, Babe. You're not going to sleep again." Naramdaman kong huminto siya sa paglalakad pero hindi ko pa rin binuksan ang aking mga mata. Nang marinig ko ang pagbukas ng double doors, alam ko na agad na nasa kusina kami. "Let's eat breakfast."

Ibinaba niya ako sa isang high chair. Dumilat ako at nabungaran ko si Mama na nagtitimpla ng kape. Napilitan akong umupo ng maayos. Walang sandalan ang highchair kaya nanatili si Ysay sa likod ko. Hinayaan ko ang sarili ko na sumandal sa katawan niya. Tinukod niya ang mga kamay niya sa kitchen island at tila ako nakakulong sa mga braso niya.

"Pinahirapan ka ba ni Jhoana sa paggising sa kanya." Nakangising tanong ni Mama.

"Yes, Tita. She still wants to sleep but sad to say, I'm not gonna let her lazy ass ruin our date today." Sagot ni Ysay na nakapagpatawa kay Mama. Nang matapos siyang magtimpla ng kape ay nagpaalam na ito sa amin at lumabas na ng kusina.

"Are you up now? I'll cook breakfast. Baka mahulog ka sa upuan." He whispered.

"Yeah. I'm up now." Humikab ako at pilit na nilalabanan ang antok. "Dapat binigyan mo pa ako ng 30 minutes para matulog. Hindi ka pa naman pala nakakapagluto."

"You know I'd let you sleep all day kung wala lang tayong pupuntahan." Umalis siya sa likod ko at tinungo ang refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng eggs and bacons. Mataman ko siyang pinapanood habang inilalagay niya ang pan sa stove. Ngayon ko lang napansin na topless pala si Ysay kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya kanina. Napairap na lang ako nang marealize ko na pakalat-kalat siya sa bahay namin na walang suot na pang-itaas na damit.

"You should at least wear a shirt. Hindi ka ba nahihiya? Nandito pa naman si Mama kanina."

"Don't you think it's your fault, Babe? Can't you see, you're wearing my shirt? Ginawa mo na namang pangtulog." Sagot niya nang hindi ako nililingon. Napatingin ako sa suot ko. Ngayon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin.

Yeah, Ysay is right. I am wearing his grey shirt. Bago kasi siya matulog kagabi sa guest room ay pumunta siya sa kwarto ko para makiligo. Then I ended up wearing the shirt he's supposed to wear after he took a shower. It's loose and comfortable to wear. Sa ilang taon na palagi kaming magkasama ay nakasanayan ko nang kumuha ng t-shirts at hoodies niya ng walang paalam. Hindi naman niya ako sinisita kaya naisip ko na ayos lang iyon sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Begin AgainWhere stories live. Discover now