Chapter 6

19.5K 343 24
                                    

"Wake up, Beadel! It's almost noontime pero tulog ka pa rin."

I know that voice. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito? Hobby na talaga niya ang pag-trespass sa unit ko. "Five minutes pa, please."

"You look super wasted. I thought umuwi ka agad pagtapos ng set kagabi?" She added.

"If you went here just to wake me up from a good sleep kahit alam mo na nagbabawi ako ng tulog, thanks my dear friend." I said sarcastically.

Kianna Dy just laughed as she walked towards my bedroom's window and opened it. A beautiful devil best friend and manager of mine. Hilig na talaga niyang pumasok sa unit ko ng walang paalam para gisingin at guluhin ako.

Sumandal ako sa headboard at tinitigan siya na ngayon ay nakaupo na sa couch malapit sa kama habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes on her.

"What brings you here?" I asked coldly.

"Grabe ka naman sa cold treatment, Bei. Why don't you stand up, fix yourself first, act like you missed me since hindi ako nakasama sa'yo kagabi and pretend that you're happy because I'm here? I will like that a lot." She grinned evilly. Gusto pa talaga niya ng nice treatment and warm welcome matapos niya akong gisingin?

"Ang annoying mo, Kianns!" I hissed as I left her in my bedroom and walk my way to my bathroom to fix myself.

Yes, she's right. Pagtapos ng set ko kagabi ay umuwi na agad ako. Hindi naman ako uminom ng marami. Sadyang nagbabawi lang ako ng tulog lalo na at sunod-sunod ang schedule ko. Hindi ko rin naman kasi ugali na mag-stay sa bar lalo na kung hindi ko sila kasama ni Deanna.

After doing my rituals ay lumabas na ako ng kwarto. As usual, feel at home na feel at home na naman ang lokong 'to at patay malisya na para bang hindi niya inistorbo ang tulog ko. At grabe lang, ang sarap na ng upo niya sa sala habang nanonood ng tv.

"Pizza lang ang dala ko." Sabi niya habang binubuksan ang box ng pizza na tinake-out niya para sa akin. "Hindi naman kasi ako na-inform na 1PM na pero may slumber party ka pa dito sa unit mo."

Naupo naman ako sa tapat niya at inirapan siya. "What do you expect sa all nighter na kagaya ko?" Kinuha ko ang box ng pizza sa mesa at kumuha ng isang slice ro'n. "Perks of having a job at night, I guess? You should know better dahil ikaw na ang kasama namin ni Deanna ever since we started in this industry. Sleep deprived na talaga tayo forever."

Tinawanan niya lang ang sinabi ko at binato pa ako ng throw pillow. Tignan mo 'to? Wala talagang magawa sa buhay. Ewan ko ba kung paano namin siya natatagalan ni Deanns.

"Speaking of being sleep deprived and Deanna, mukhang hindi ka talaga makakabawi ng tulog ngayon." She said habang patuloy na kinakain ang pizza niya. "Deanns called me earlier. May emergency daw that's why she needed to go to Cebu asap. You don't have any choice kung hindi saluhin ang schedule niya tonight. That's 8 to 9PM lang naman. Don't worry, sasamahan kita. She'll make bawi na lang daw pagbalik niya."

Okay? So, that's probably the reason kung bakit siya nandito. Cancelled na naman ang supposed to be free time ko sa week na 'to. Don't get me wrong. I'm enjoying my job naman since it's my passion. It's just that I have plans with my family for tonight that I need to cancel just to fill in for Deanna. Well. As if naman I have a choice? Eh, mukha namang naplano na ni Kianns ang schedule ko.

"Wala naman akong say dito, 'di ba? You're our manager and you're the one who's handling our bookings kaya oo na lang ako." Napabuntong hininga na lang ako. I'll be missing our family dinner again because of this. Ang dami ko ng utang kina Mommy.

I immediately went to my room to get my phone right after Kianna spilled the news. I need to call my Dad and inform him na hindi ako makakauwi sa bahay mamaya. I'm pretty sure magtatampo na naman si Mommy lalo na't ako ang nag-set ng dinner na 'to, but I know she'll understand me pa rin.

Begin AgainWhere stories live. Discover now