Napabuntong hininga ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa door knob. Sa sobrang higpit ay hindi ko na nagawang iikot 'yon para buksan ang pinto. Ilang minuto pa akong natulala at napako sa kinatatayuan ko bago bumukas ang pinto at sumilip si Beatriz. Napakagat ako sa aking labi at sa kanya naman ako napatulala.
"Do you need something?" Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak pa rin sa door knob hanggang ngayon. Wala sa loob naman akong bumitaw nang ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin.
"Why are you here?" She asked again.
"I-I'm. . ." Napalunok ako. "I'm looking for Architect Madayag. S-she asked me to go here to talk about the new blue print for the project."
"She's not here." Sabi niya.
Hindi ako makapagsalita ng maayos. Akmang aatras ako nang tuluyan niyang buksan ang pinto at papasukin ako sa loob. Ilang sandali pa akong napamaang. Walang ibang tao sa opisina ni Maddie. Tila naman nabasa niya ang tanong na nasa isipan ko.
"Maddie's not here." Nilingon niya ako. "She went out with your friend Ysay. I'm not sure though if they went to the site or what. They seem pretty close lately, eh."
Marahan akong naupo sa couch na naroon. Halos manuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Nakita ko si Beatriz na umupo sa swivel chair ni Maddie. Ilang sandali pa ay tumingin siyang muli sa akin.
Pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko. Inabot niya ang cellphone niya na nakalapag sa mesa at saka muling nagsalita.
"Do you want me to call her and tell her that you're here or you'll just wait here with me hanggang sa makabalik sila ni Ysay?" Mahina lang ang pagkakasabi niya ngunit sapat lang 'yon para marinig ko. Hindi na normal ang tibok ng puso ko. Titig na titig siya sa akin na tila hinihintay ang sagot ko. "I wonder why she asked you to go here when in the first place she's not here. At alam na alam niya rin na ako lang ang naiwan dito sa office niya." She added.
Napayuko ako para iwasan ang kanyang tingin.
"Are you sure she didn't tell you that she's going out with Ysay?"
Nag-angat ako nang tingin nang itanong niya sa akin 'yon. Napatitig ako sa kanyang mukha. Mataman pa rin siyang nakatingin sa akin. Sa simpleng tanong na 'yon ay naiparamdam na naman niya sa akin na hindi niya ako gustong makasama. Alam kong mas gusto niyang iwasan ko siya pero mas gugustuhin ko nang makuntento sa konting oras na kaming dalawa lang ang magkasama.
Tumango ako kasabay nang pag-init ng aking mga mata. Yumuko akong muli dahil hindi ko kayang tignan pa siya.
"I know you don't want me here. I can see that." Pumikit ako at nalaglag ang mga luhang pinigilan kong bumagsak. "And I know you want me to stay away from you, but I just can't. I can't Beatriz." Halos pumiyok ang boses ko sa nag-uumapaw na sakit at emosyon. "The last time we talked, you said that someday I'll be able to love someone new and that I'll be thankful of the decisions I made back then when I'm finally able to begin again, but how, Bei? How? Tell me how can I do that?" Mahina kong tanong. "How can I forget your love? How can I love someone new? How can I begin again when I'm not over you?"
Marahan siyang tumayo mula sa swivel chair at saka naglakad papalapit sa akin. "Acceptance, Jho. You have to learn how to accept. Just like what I did." Maingat siyang umupo sa couch at marahang tumabi sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita. "I learned to accept everything that happened to us. I got enough of all the pain. And yes, I want you to be able to begin again." Sandali siyang yumuko ngunit wala pang ilang segundo ay tinignan niya akong muli. "But you know that I loved you, right? I treasure all my memories with you, Jho. And I will keep it with me forever."
Halos sumabog ang puso ko. Nahihirapan akong huminga at tila gusto ko na lang tumakbo palayo para hindi ko na marinig ang mga susunod na sasabihin niya. Pero hindi ko magawang gumalaw. Hindi ko magawang lumayo sa kanya.
"This time, I am choosing myself. This is the fate the last time we talked in Japan brought for the both of us." She paused for a moment. "I can clearly remember how I asked you that night. Tinanong kita kung ako na lang ba ang nagmamahal sa ating dalawa and you said yes." She murmured. "I accepted your decisions kahit gaano pa 'yon kasakit."
Inayos niya ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa aking pisngi. Inilagay niya 'yon sa likod ng tainga ko at saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi ko na maiwasan ang malakas na paghikbi.
"After days of endless crying, weeks of blaming myself, and months of wishing I could've done better, everything finally made sense. I have finally freed myself from everything that was holding me back from moving on from you." Namumula ang mga mata niya ngunit wala akong makitang luha mula roon. Kitang-kita ang lungkot sa kanyang mukha pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin kahit alam kong pilit na pilit na 'yon. "I was wrong all along to think that I wouldn't be able to survive whatever life throws at me without you by my side. I have finally realized that I'm totally fine without you. I have finally accepted that I don't need you to complete me. I have finally opened my eyes that it is okay to walk away and forget someone whom you thought you were going to spend the rest of your life with." Hinawakan niya ang kamay ko at sandaling hinalikan 'yon. "I care for you, Jho. Until now, I still do. And I'm so sorry for hurting you."
"Beatriz, p-please, n-no. . ." Pilit kong sambit. Halos bagsakan ako nang langit at lupa sa mga sinabi niyang 'yon. Konti na lang at baka lumuhod na ako sa harapan niya at magmakaawa sa kanya na pagbigyan niya ako at subukan namin ulit.
"Hate me for hurting you, Jho. I won't mind. Kung pwede lang sanang maibalik sa dati, I would do it. . ."
Wala akong magawa ngayon kung hindi ang umiyak. Hinintay ko na lang ang karugtong ng mga sasabihin niya. Maybe, this will be the last time that I'll allow myself to cry over her. Maybe, this is our closure. Maybe, this is really the end for us.
"—but I can't anymore 'cause I already have someone new. And I hope that soon, you'll find yours too."