Maaga kong tinapos ang natitirang trabaho ko para sa araw na 'to. I checked my wristwatch. 3:30PM pa lang. 5PM ang usapan namin ni Beatriz. I still have an hour and a half para ayusin ang sarili ko at pumunta sa meeting place namin.
Sandali kong inayos ang aking sarili bago sinimulang iligpit ang mga gamit ko na nagkalat sa table. Akmang ilalagay ko na sa bag ang laptop ko nang bumukas ang pinto at may pumasok.
"Ang aga mo naman magligpit ng gamit. May lakad ka, Shaba? Saan ka punta?"
Marahan akong tumango. Binitiwan ko ang aking bag at kinuha ang cardigan ko na nakapatong sa swivel chair. Isinuot ko 'yon. "Sa Satchmi lang."
Kumunot sandali ang noo ni Ate Ella. Paglipas ng ilang segundo ay pilya siyang ngumiti. "Magkikita kayo ni Beadel, 'no?"
Namula ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at sinundot-sundot ang tagiliran ko. "Ate Ells naman, eh."
Itinigil niya ang kanyang ginagawa at tumawa. "Uy, in love na nga ata talaga ang friend ko."
"Hay nako! Ewan ko sa'yo, Ate Ells." Ngumuso ako. Bakit ba kasi sa kanya ako unang nagsabi. Ang lakas pa naman niyang mang-asar. Dapat ata ay kay Jia ako unang nagkwento.
"Oh, tinatawagan ka na ng ka-date mo." Nakangiti siya habang nakatingin sa phone ko na nasa mesa. Hindi ko napansin agad ang tawag dahil naka-silent iyon.
Makahulugang tinignan ako ni Ate Ella bago siya umupo sa couch.
"Beatriz?" I said after I answered her call. Umupo ako sa swivel chair at wala sa loob na pinaglaruan ang charcoal pencil na nasa harapan ko.
"Hi. Are you still working?"
"Nope. Maaga akong natapos ngayon. Nakikipagkwentuhan na lang ako kay Ate Ells. Nandito kasi siya sa office ko." Ibinaling ko ang aking tingin kay Ate Ella na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin habang magkausap kami ni Beatriz. "Papunta ka na ba?"
"I'm fixing myself pa. Aalis na rin ako after this. Do you want me to fetch you ba?"
Napangiti ako. Gustuhin ko man na magpasundo sa kanya ay tatanggi na lang ako. Baka kasi ma-traffic lang siya papunta dito sa office. Mas mabuti na kung sa Satchmi na lang kami magkikita.
"Hindi na, Beatriz. Dala ko rin kasi yung sasakyan ko. Doon na lang tayo magkita."
"Alright. See you later, Jho. Drive safely, okay? I miss you."
Ngumiti na lamang ako matapos niyang sabihin 'yon. I ended the call at ibinaba ang phone ko sa table pagkatapos kong magpaalam kay Beatriz.
"Ehem." Napalingon ako sa gawi ni Ate Ella. Panira talaga 'to ng moment. Ina-absorb ko pa yung kilig, eh.
"Tapos na yung lambingan niyo?" My jaw almost dropped. Pakiramdam ko ay namumula na naman ako.
"Shaba naman!"
"Phone call pa lang 'yan pero halos langgamin na ako dito. Paano pa kaya kung nandito na si Beadel at pinapanood ko ng live yung kaharutan niyo?"
I bit my lower lip. Hindi ko alam kung mangingiti ba ako sa sinabi niya o susungitan ko siya dahil sa pang-aasar niya sa akin.
Napailing na lamang ako. "Loko ka talaga, Ate Ells. Ako na naman ang nakita mo."
"What?" Tanong niya. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Jho."