Chapter 79

15.4K 399 277
                                    

"Anong ginagawa mo dito, Jia?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Huli kaming nagkita ng personal ni Jia noong araw ng kasal nila ni Miguel. Ilang beses ko pa siyang nakausap through FaceTime matapos noon habang pinaplano ko pa lang ang proposal at dapat sanang kasal namin ni Jho. Pero matapos namin maghiwalay ng best friend niya ay wala na rin akong naging balita sa kanya.

"Hi." Mahina niyang sambit. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob ng apartment mo?"

Sandali akong napatitig sa kanya bago tumalikod at binuksan ang pinto. Nang makapasok kami sa loob ay naupo siya sa sofa at mataman na inilibot ang kanyang paningin sa kabuoan ng sala.

Nanatili lang akong nakatayo malapit sa pinto. Ilang minutong katahimikan ang pumailanglang bago ako nagsalita. "Do you want anything? Coffee, juice or water?" Tanong ko.

She smiled at me. "Juice na lang. Hindi kasi ako pwede uminom ng coffee ngayon."

Marahan akong tumango at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nang makabalik ako sa sala ay inabutan ko siyang nakatayo malapit sa foyer. Hawak niya ang isa sa mga picture frame na naka-display sa console table.

"May picture ka pa rin pala niya." She's referring to Jhoana's picture. Kinuhanan ko 'yon noong magpunta kami sa Palawan para magbakasyon kasama si Jaja. Nakatayo siya sa beach side at nakatanaw sa malayo habang pinapanood ang paglubog ng araw.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jia. Sa halip ay ibinaba ko sa coffee table ang juice na hawak ko. "What brought you here?" Tanong ko sa kanya nang maupo siyang muli sa sofa. "Do you need anything from me?"

"I'm with Miguel and his parents. Binisita namin yung relatives nila dito." She paused for a few seconds. Pagkatapos ay sumimsim ng juice at saka muling nagsalita. "Malapit lang yung bahay ng relatives nila dito sa apartment mo kaya naisipan ko na rin na bisitahin ka."

Tango lang ang naisagot ko. Gusto kong maniwala sa sinabi niya pero alam kong hindi lang 'yon ang rason kung bakit siya nandito. Alam kong may iba pang dahilan ang biglaan niyang pagbisita sa akin.

"How are you?" She murmured.

"I'm doing good." Mabilis kong sagot.

"May balita ka ba sa kanya?" She asked again. Hindi man siya nagbitaw ng pangalan, I know she's referring to Jhoana.

I shook my head. "How is she?" Mahina kong tanong pero sapat lang 'yon para marinig ni Jia ang sinabi ko.

Hinarap niya ako sandali at saka nag-aalangang ngumiti. Ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.

"She's not okay." Jia sighed. "She broke down a week after you left."

Napakunot ako ng noo dahil sa narinig ko. The last time I checked, siya ang may gusto nito. Siya ang nagdesisyon na tapusin ang relayson namin. Siya ang nagtulak sa akin na umalis sa Japan at bumalik na lang dito sa Santa Monica.

"Bea." Ani Jia. "Will it be too much if I'll ask you to check on her?"

Naningkit ang aking mga mata. Si Jia naman ay nakatitig lang sa akin ng seryoso habang hinihintay ang isasagot ko.

"Para saan pa, Jia?"

"Nag-aalala kami sa kanya, Bea. I know you did your best to win her back but she ended up pushing you away. Pero sana, intindihin mo na lang siya. It's not easy for her to go through the same situation she had with Ged. She got traumatized and—"

Begin AgainWhere stories live. Discover now