Chapter 53

11.4K 272 37
                                    

"Bei, napansin ko lang, hindi ka na nagmamadaling umuwi every after gigs unlike before." Tanong sa akin ni Therese matapos namin ayusin ang schedule ko. Nandito kami ngayon sa apartment nila with her sister, Ponggay. Sumagot ako sa kanya pero hindi ako lumingon.

"Wala lang. Wala naman akong gagawin sa apartment."

"Uhm, where's Jho? Hindi ko na rin siya nakikita." Tumingin siya sa akin. "Wait? Do'nt tell me you guys broke up?"

Mabilis akong umiling. Hindi ko alam kung anong naisip ni Therese at parang ini-interview niya ako ngayon.

"Where is she? Tell her labas tayo minsan. Treat ko. Ang tagal na nung last tayo lumabas na kasama siya."

Humalukipkip ako at patamad na sumagot. "Bumalik na siya ng Pilipinas."

"Why? I thought she'll stay here with you for good?" Therese asked again but I just shrugged my shoulders.

Pinag-iisipan ko kung ikukwento ko kay Trey ang dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas si Jho pero bago pa man ako makapagsalita ay sumingit na ang kapatid niya.

"Ate, easy lang. Hinay lang sa mga tanong mo kay Bei."

Napailing si Trey. Ngumuso na lang ako at kinuha ang phone ko sa glass table.

I opened my WhatsApp at nakitang may chat doon si Jho.

From: Jhoana Maraguinot

Love, kinakabahan ako. Ngayon na yung presentation namin with the client. Sana nandito ka para mabawasan ang stress ko. I miss you.

Sa tuwing sinasabi niya sa akin na namimiss niya ako ay parang gusto kong i-terminate ang kontrata ko sa Interscope at umuwi na lang sa Pilipinas para makasama siya.

The first week was torture. Ang hirap mag-adjust lalo na at nasanay akong kasama siya araw-araw. I always tell her I miss her pero hindi 'yon sapat para maipaliwanag ang nararamdaman ko. I can't tell her na nahihirapan ako sa sitwasyon namin dahil ayaw ko siyang mag-alala kaya sinarili ko na lang 'yon. Mas tumindi pa ang pangungulila ko sa kanya nang magsimula ang construction ng bago nilang project. Unti-unting nabawasan ang oras niya sa akin.

"How's work, Love? Stressful pa rin ba? Okay naman ba yung mga katrabaho mo? Are they nice?"

We can still see each other through FaceTime. Natuto akong makuntento sa ganitong set up. Wala akong magagawa sa ngayon kung hindi maghintay na bigyan ako ng management ng gig sa isang music festival sa Pilipinas. 'Yon lang ang nakikita kong excuse para makauwi ako at makasama siya.

"Okay na, Love. Nakapag-adjust na ako. Mabait naman sila sa amin nila Jia, lalo na yung mismong client namin. Sobrang bait and super hands on niya sa project."

Ngumuso ako. "Is she a girl?"

Marahan siyang umiling.

Wala sa loob akong napakunot ng noo. "Gwapo ba?"

"Beatriz!" Natatawa niyang saway sa akin.

Sinubukan kong alisin 'yon sa isip ko dahil nakakaramdam ako ng inis kapag naiisip kong mapapalapit siya sa ibang lalaki.

Matapos ang ilang linggo ay nakatanggap si Therese ng dalawang invitation sa isang music festival. Ang una ay gaganapin sa Manila, habang ang isa naman ay sa Boracay. They want me to perform there.

Halos hilahin ko ang araw ng pag-uwi ko. I would always imagine Jhoana waiting for me at the airport.

"I miss you so much, Love." Bulong ko sa kanya habang yakap ko siya ng mahigpit.

Gumanti siya sa yakap ko. "I miss you more, Beatriz."

"Parang gusto ko na lang i-terminate yung contract ko with Interscope. I don't mind paying the penalty as long as I have you with me." Nabanggit ko na kay Therese ang tungkol dito. Hindi pa ako sigurado, pero mukhang hindi siya sang-ayon sa balak ko. Napabuntong hininga ako.

Begin AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora