Napakunot ako ng noo at napasimangot nang makita ko si Beatriz na pumasok sa opisina ko. Nakangisi siya sa akin. Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Naiinis ako sa kanya. Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay bumungad sa akin ang picture niya sa social media. Kuha 'yon kagabi sa gig niya sa pool club. Kasama niya ang isang babae. Nakayakap ito sa kanya at ngiting-ngiti silang dalawa.
"Hi, Love." Bati niya sa akin. Inilapag niya sa glass table ang dala niyang box ng paborito kong doughnuts at saka lumapit sa akin. Pagkatapos ay humalik siya sa aking pisngi.
"Love mo mukha mo. Lumayo ka nga sa akin." Marahan ko siyang itinulak papalayo sa akin. Tumayo ako mula sa swivel chair at lumipat sa couch. Inabot ko ang dala niyang box ng doughnuts at binuksan 'yon agad.
"Sungit naman ng Love ko." Natatawa niyang sabi. Tinitigan ko siya ng masama. Napanguso na lang siya. "Huwag ka ng magalit, please. Nagpaliwanag naman na ako, 'di ba? She's just a fan."
"Tch! Fan, pero kung makayakap sa'yo dinaig pa ako. Tapos ngiting-ngiti ka naman!"
"Ang selosa naman ng girlfriend ko." Tumabi siya sa akin at kumuha rin ng glazed doughnut sa box. Kinagatan niya 'yon bago nagsalitang muli. "But I like it when you're jealous. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal mo ako. I'm kilig."
"Ewan ko sa'yo, Beatriz! I hate you!"
"I love you, Jho." Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay kuha ng isa pang doughnut. Kinagatan ko kaagad 'yon at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. Tumayo ako at akmang maglalakad na pabalik sa table ko pero bigla niya akong hinatak paupo sa lap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at tinitigan ako ng seryoso. "I love you, more than most, my Jhoana."
Napakagat ako sa aking labi. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Simpleng salita lang galing sa kanya, pero natalo na naman ako. Nang makabawi ako ay pinisil ko ang magkabila niyang pisngi.
"Ouch. That hurts, Love."
"Nakakainis ka! Dapat galit pa ako sa'yo kasi ang harot harot mo. Tapos dinaan mo lang ako sa ganyan."
Ngumisi siya sa akin. Niyakap niya akong muli at marahang hinalikan ang balikat ko. "Beatriz, baka may makakita sa ginagawa mo."
"Tayong dalawa lang naman ang nandito." Hinawakan niya ang kamay ko at iyon naman ang kanyang hinalikan. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa. "Date tayo before ako pumunta sa gig ko?" She asked.
"Now na?" Napatingin ako sa wristwatch ko. Mag-t-three pa lang.
She nodded. "Yup."
"Saan naman? May ginagawa pa ako, oh." Nginuso ko sa kanya ang ilang folders na nakakalat sa table ko.
"Nearest restaurant? Date na tayo, please. Sigurado namang hindi ka pwede mamaya after work. May lakad kayo nila Marge later, 'di ba?"
Oo nga pala. Lalabas kami mamaya nila Marge. Minsan lang kasi kami mabuo. Kababalik lang ni Gizelle from Bacolod. Si Jirah naman ay kauuwi lang from an out of the country trip. Habang si Jia ay nandito rin sa Manila. May one week rest siya sa Palawan project namin dahil nandoon naman si Kuya Loel to take over.
"Paano mo nalaman? Hindi ko pa naman nababanggit sa'yo yung tungkol doon, ah." Tanong ko.
"Nasabi sa akin ni Marge kanina. I texted her earlier. In-invite ko siya to go to my gig since pupunta rin sila Ate Ye and Ate Ara, para makapag-catch up na rin. But she said, hindi raw siya pwede kasi nga may lakad kayo."
Ngumuso ako. Ito ata ang first gig niya na pupunta sila Ate Ye at Ate Ara na hindi ako makakasama. Ang huli kasi ay nanliligaw pa lang siya sa akin. Parang gusto ko na lang tuloy sumama sa kanya.