Matapos sabihin ni Beatriz na isasama niya ako sa condo unit niya para doon na lang magpalipas ng gabi ay agad kong tinawagan si Mama para magpaalam. Sandali lang kaming nag-usap. Ipinaalam ko lang sa kanya na hindi ako makakauwi at kung sino ang kasama ko. Pumayag naman siya dahil kilala naman daw niya si Beatriz at sigurado daw siyang hindi ako pababayaan nito.
Ibinaba kong muli sa dashboard ang cellphone ko matapos ang pag-uusap namin ni Mama. Pinakialaman ko na rin ang stereo ni Beatriz para naman may tugtog.
'Five drinks in on Friday night. We only came to dry your eyes and get you out of your room. Now this bar has closed it's doors, I found my hand is holding yours. Do you wanna go home soon?'
"Malayo pa ba ang condo mo?"
Umiling si Beatriz. "Nope. We'll be there in ten minutes. Do you want to rest na ba?"
Ngumuso ako. "Uhm, medyo napagod ako kanina."
Lumingon sa akin si Beatriz. Pagkatapos ay tumawa siya ng marahan. "You're so cute, Jho. I like it when you pout."
"What's new? Palagi naman akong cute sa paningin mo." Komento ko.
"Yeah." Ngumuso si Beatriz at sumulyap sa akin sandali. "To be honest, hindi lang cute." Nagkibit balikat siya. "You'll always be beautiful for me, Jhoana."
Natawa ako. "Hobby mo na talaga ang bolahin ako."
"No kaya." Marahan siyang tumawa at pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi ko na siya sinagot. Knowing her, alam kong hindi siya magpapatalo.
Sumandal na lang ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Napasabay na lang ako sa pamilyar na kantang nagmumula sa stereo niya.
"Until the night turns into morning, you'll be in my arms and we'll just keep driving along the boulevard. And if I kissed you, darling, please don't be alarmed. It's just the start of everything if you want a new love. . ." Pagsabay ko sa tugtog. Naramdaman ko ang muling pagtingin sa akin ni Beatriz nang mag-red ang traffic lights.
"That's a nice song, Jho." Ngumisi siya. "And I love your voice. Is there anything you can do that will stop me from admiring and loving you?"
Lumingon din ako sa kanya at nginitian siya. Hindi ko siya nasagot at parehas na lang kaming natawa.
I'm slowly learning to get used to this kind of feeling. Ibang-iba si Beatriz kay Ged. She makes sure na naipaparamdam niya sa akin na mahalaga ako. She has this gentleness towards everyone. Alam kong hindi lang siya sa akin ganyan. Natural na sa kanya ang pagiging mabait, mapa-kaibigan man niya o taga-hanga 'yan kaya naman hindi siya mahirap mahalin.
Pinagpapasalamat ko na lang na nabigyan ako ng chance na makilala siya. And if you'll ask me what's the real score between us? I would say that I'm comfortable with her and she gets the same treatment on me. Wala namang nagmamadali sa amin, I guess? Sa susunod na lang namin problemahin yung label.
Nag-drive thru muna kami sa isang sikat na fast food chain.
"What time are you going to work tomorrow?"
"I don't know." Tumingin ako sa kanya. "Baka hindi na muna ako pumasok. Natapos ko naman na yung trabaho ko para bukas."
"Perks of being the heiress of the company, eh?"
Ngumiti ako ng malawak. "Hindi kaya ako uma-absent palagi. Umiiwas lang ako 'cause I'm pretty sure na pupunta si Ged bukas sa office since hindi niya ako nakita ngayon."
"On the other hand, huwag ka na lang nga pumasok." She grinned sheepishly. "Just spend the rest of your day tomorrow with me."
Kinuha ko ang pineapple juice at uminom do'n. Should I spend the rest of my day tomorrow with her?