Chapter 84

6.9K 194 131
                                    

"Hate me for hurting you, Jho. I won't mind. Kung pwede lang sanang maibalik sa dati, I would do it. But I can't anymore 'cause I already have someone new. And I hope that soon, you'll find yours too."

Matapos kong marinig ang mga salitang 'yon mula kay Beatriz ay agad akong tumayo at lumabas ng opisina ni Maddie. Halos wala sa sarili akong naglakad sa hallway habang patuloy na umiiyak.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nakumpirma mong meron ng iba ang taong mahal mo. Mas matindi pala yung sakit pag harap-harapan na niyang sinabi sa'yo.

I know I should be used to being hurt. Ilang beses na nga ba akong nasaktan? Pero bakit ganito? Bakit para pa rin akong unti-unting nauupos? Bakit para pa rin akong unti-unting pinapatay?

Tumitingin na sa akin ang ibang mga empleyado na nakakasalubong ko kaya pinunasan ko na ang mga luha ko. Kinuha ko lang ang gamit ko sa opisina ko at tuluyan ko nang nilisan ang building.

Dumiretso ako sa isang bar matapos kong i-message si Ate Ella. I told her that I'm off to the nearest bar sa office nila ni Jia para agad siyang makasunod sa akin. Nang makarating ako roon ay may kumakanta sa stage na mas lalong nakapagpatindi sa nararamdaman ko. Tulala na lang ako sa mesa habang patuloy sa pag-inom.

'Suspended in the air, I hear myself breathing. Hanging by a thread, my heart is barely beating. I haven't fallen yet but I feel it comin'. Tell me would it be too much to ask if you break it to me gently?'

"Ang akala ko ba kakain tayo ng dinner? Hindi mo naman ako in-inform na mag-iinom pala agad tayo. Yayayain pa naman sana kita mag-buffet."

I sigh. "Wala rin naman sa plano ko ang mag-inom tayo ngayong gabi." Inayos ko ang aking upo. "Bigla na lang nangyari." Nanginginig ang boses ko at pilit na ngumiti.

"Ano bang nangyari, Shaba?"

'Far beyond my reach is the future you promised. Know what I never even had, I have every reason to miss. And I don't know where I could find the strength to let you go. When the only love I've come to know packed her bags and left me alone. You found another home.'

"Gusto ko lang naman na maging maayos ang lahat, Ate Ells." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang muling pagbagsak ng mga luha at yumuko na lang. "Pero bakit ang hirap-hirap ayusin?"

'So before it's too late, I'll take a step away. I know one word would make me go rushing back to you. That I'll just shut my eyes. Forget that you were mine. How do you go from making one your home and then just letting it all go?"

Naiyak na naman ako. Parang pana na tumatama sa akin ang liriko ng kanta at tila tumatagos 'yon hanggang sa kaluluwa ko.

Hinaplos ni Ate Ella ang braso ko. "Tahan na."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ate Ells. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit kagaya ng gusto niya. Natatakot ako na baka hindi ko na magawang makabangon ulit sa pangalawang pagkakataon."

Hindi siya sumagot at pakiramdam ko ay mas lalo lang akong nalugmok.

'I hope you're happy, baby, in your new home.'

Marami akong nainom nung gabing 'yon. Hindi ako madalas uminom and I can't even recall when was the last time I got drunk. Hinayaan lang ako ni Ate Ella dahil alam niyang gusto kong mamanhid at makalimot. After drowning in tequila and vodka, nalasing ako at nakatulog sa table namin ni Ate Ella.

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa kwarto ako ni Ate Ella. Suot ko pa rin ang office attire na suot ko kahapon. Ang sapatos ko ay nasa tabi ng kama niya. Nakalapag naman ang bag at cellphone ko sa side table pati na rin ang sticky note na iniwan ni Ate Ella para sa akin. Napaungol ako nang makaramdam ng sakit ng ulo. Muli kong ibinagsak ang sarili ko sa kama at sinubsob ang aking mukha sa unan. 

Begin AgainWhere stories live. Discover now