Chapter 52

12.4K 297 42
                                    

"Bei, pakidaanan yung schedule mo for the next two weeks sa office ko." Bilin sa akin ni Therese. Nandito kami sa isang restaurant malapit sa Interscope. Nagkayayaan kasi kaming kumain ng lunch pagkatapos ng recording.

"Trey, can you just send it via email?" Tanong ko. "May pupuntahan pa kasi ako."

Umiling si Therese. "Nasa office ang laptop ko, Bei. I left it there. Na-print ko naman yung schedule mo. All you have to do is get it there. And magpakita ka na rin kay Boss. Kahapon ka pa niya hinahanap. May itatanong ata sa'yo."

Wala na akong nagawa kung hindi tumango. May usapan kasi kami ni Jho ngayon at siguradong malelate ako kung babalik pa ako sa Interscope. Itetext ko na lang siya na may gagawin lang ako saglit.

"Hindi ka na ba babalik sa office?" Tanong ko sa kanya.

"May meeting pa ako. Baka sa hapon na ako makabalik." I nodded. Tinawag niya ang waiter at hiningi na ang bill namin pagkatapos ay nagbayad.

Huminga ako ng malalalim. "Saan nga pala nakalagay sa office mo yung schedule ko?"

"Nandoon si Mads. Binilin ko na sa kanya. She'll give it to you pagpunta mo ro'n."

Paglabas namin ng restaurant ay agad akong dumiretso sa office ni Trey. Marahan akong kumatok sa pinto bago pumasok. Inabutan ko ro'n si Maddie na nakaharap sa laptop niya.

"Hi."

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Yes?"

"Sabi ni Trey nasa'yo raw yung schedule ko? Pwede ko na bang makuha? May pupuntahan pa kasi ako."

Napahawak siya sa kanyang noo. "Shoot! Oo nga pala. Binilin nga pala sa akin ni Trey na iabot ko 'yon sa'yo." Tumayo siya at tinungo ang desk ni Therese. Binuksan niya ang ilang drawer. "Saan ko nga ba nilagay 'yon?"

Ilang sandali pa siyang naghanap. Nang makita niya ang papel ay itinaas niya 'yon. "Here." Iniabot niya 'yon sa akin at ngumiti.

"Thanks, Mads." I smiled back. "I'll go ahead."

"Uhm, s-sige."

Nagmadali akong pumunta sa paboritong coffee shop ni Jho. Nang marating ko 'yon ay agad ko siyang hinanap. Natanaw ko siyang kasama si Jamie. She's our new friend here. Nakatira siya sa katabi naming apartment. Madali namin siyang nakasundo ni Jho kahit two weeks pa lang kaming nag-stay sa apartment na nirerentahan ko.

"Hi, J. You're here rin pala." Bati ko kay Jamie sabay halik sa pisngi ni Jho. "Pwede ko na bang kunin ang akin?"

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Jho kasabay ng pagngisi ni Jamie. Napangisi na lang rin ako. "Hey, Love, you're blushing. Kinikilig ka?"

"Isn't it obvious, Bei? Take it easy lang kasi." Natawa ako sa sinagot ni Jamie. Napailing si Jho at hindi na naitago ang ngiti.

Ilang minuto pa kaming nag-stay sa coffee shop bago nagpaalam kay Jamie.

"Close na talaga kayo ni J, 'no?" Nakangisi kong komento habang patuloy sa pagmamaneho.

"Nag-e-enjoy kasi akong kasama siya. Ang witty at funny kaya niya."

Natutuwa akong may kasundo na siya dito. Gusto ko kasing magkaroon siya ng kaibigan dito bago man lang siya bumalik sa Pilipinas. Para na rin may iba siyang kakilala pag nag-settle down na kami dito.

"Love..."

"Yes?"

"Bakit parang hindi ka masyadong lumalabas kasama yung ibang nagtatrabaho sa Interscope? Wala ka bang kaibigan doon bukod kay Therese?" Tanong niya sa akin.

Begin AgainWhere stories live. Discover now