It has been two months since that day na umamin akong mahal ko rin si Beatriz. And ever since that night, she started courting me. Two months na, pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako tinatanong kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Masyado ata siyang nag-e-enjoy sa ligawan stage namin.
That same day, matapos akong ihatid ni Beatriz sa bahay ay sinabi ko agad kay Mama at Jaja ang tungkol sa amin. Wala naman akong narinig na pagtutol mula sa kanila. In fact, supportive silang dalawa sa naging desisyon ko. Si Papa lang ang walang alam dahil hanggang ngayon ay kumukuha pa rin ako ng bwelo kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Bea. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na magalit siya sa akin at hindi niya kami tanggapin.
From: Beatriz De Leon
Good morning, Love. Resched na lang natin sa ibang araw yung plan natin for tonight. Don't get mad, please. Sorry na.
From: Beatriz De Leon
I miss you so much, Jho. Can't wait to go home. I love you.
Napailing na lang ako matapos kong basahin ang message niya sa akin.
Beatriz went to Singapore last Sunday para sa isang Music Festival doon. Three days and three nights lang sana ang stay niya ro'n at ngayong araw ang uwi niya, pero nagkaroon daw ng problema. Nakakainis lang dahil may plano kami for tonight. We make sure kasi na every Wednesday night ay lumalabas kami para makapag-bonding.
Muli kong tinignan ang screen ng cellphone ko. Binasa kong muli ang message niya sa akin sa viber bago ako nagtype ng reply para sa kanya.
To: Beatriz De Leon
Walang good sa morning ko, okay. Hindi mo ako makukuha sa pa-'I miss you' mo. Manigas ka d'yan. I love you mo mukha mo!
Ilang sandali ang lumipas pero hindi ako nakatanggap ng reply galing sa kanya. Ang siraulo, sineen lang ang message ko. Naiinis kong ibinato ang cellphone ko sa couch. Sakto namang pumasok si Ate Ella kaya napataas siya ng kilay sa akin.
"Problema mo?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Sayang iPhone mo. Binabato-bato mo na lang. Kung ayaw mo na, ibigay mo na lang sa akin."
Inirapan ko lang siya at ibinaling na lang ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko. Marami pa akong dapat tapusin at wala akong panahon para makipag-chismisan sa kanya.
"Aba, Jhoana Louisse, huwag mo kong iniirapan. Kung inis ka kay Beadel, huwag mo akong idamay." Lumapit siya sa table ko at ibinaba ang iilang folders na hawak niya. "Ipinapabigay ni Jia. Update 'yan for the Palawan project."
Galing kasi si Ate Ella sa Palawan noong Sunday at kahapon lang siya nakabalik ng Manila.
Huminga ako ng malalim at inabot ang mga folder. "Sorry, Ate Ells. Tayo na nga lang ang palaging magkasama tapos sinusungitan pa kita. Badtrip lang talaga ako kay Beatriz. May pa-promise promise pa na uuwi siya ng Wednesday, tapos hindi naman pala."
Natawa ng marahan si Ate Ella. Kinuha niya ang chips na nasa ibabaw ng table ko at naupo sa couch.
"Hindi pa nga kayong dalawa pero ganyan ka na. Hindi naman ginusto nung tao na hindi makauwi ngayon. Nagpaliwanag naman sa'yo kung bakit hindi siya makakauwi, 'di ba? And knowing Beadel, gagawin no'n lahat para sa'yo kaya huwag kang mag-inarte d'yan kung hindi ka mapagbigyan ng isang beses."
Napanguso na lang ako sa mga sinabi ni Ate Ella. Tama naman siya. Halos lahat na ng effort ay nagawa na sa akin ni Beatriz. It's just that, hindi lang ako sanay na hindi siya tumutupad sa pinapangako niya sa akin. First time kasi 'to. Ito ang unang beses na pumalya siya sa promise niya sa akin.