'Following the east of the bay.. Your oceans, they pull me away.'
I've been staring at the sky for a good few minutes now, watching the stars while listening to a very calming song. One of my favorite—Keiko Necesario's 'Away From The Current'.
It's half past seven in the evening at hinihintay kong matapos si Bea sa kanyang ginagawa. Nandito kaming dalawa sa rest house nila. Ang buong akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi kanina nang magpaalam kami kina Tita Det at Tito Elmer. But to my surprise, dumiretso kaming dalawa sa Antipolo—all for one reason, gusto niya pa raw ako makasama ng mas matagal. Pumayag na lang ako dahil Sabado naman ngayon at wala rin akong gagawin sa bahay.
Naupo ako sa wooden bench sa garden at ipinikit ang aking mga mata. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Para bang pinapakalma ako nito habang naiisip ko ang mga nangyari kagabi hanggang kaninang umaga.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapailing at mapangiti.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na galing sa bintana. Napabaling ako sa aking katabi na mahimbing pa ring natutulog. Nakadantay ang binti niya sa akin habang nakapatong ang kanyang kanang braso sa aking tiyan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong wala akong suot na t-shirt at naka-bra na lang ako. Napatikhim ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.
"Hay, Jhoana Louisse, muntik na naman." Bulong ko sa aking sarili. Kung hindi lang tumawag si Jaja kagabi para tanungin ako kung uuwi ba ako sa bahay o hindi, baka kung saan na nauwi ang ginawang paghalik sa akin ni Bea. Naalala ko tuloy ang sinabi niya noong unang beses na nangyari 'to sa Palawan—'Promise, I'll control myself starting today.' Pero heto na naman kami. Naulit na naman.
Inalis ko ang kanyang braso sa pagkakayakap sa akin at dahan-dahang bumangon. Nang tuluyan akong makatayo ay hinanap ko ang suot kong t-shirt kagabi. Nakita ko 'yon sa gilid ng kama. Napailing na lang ako.
Isinuot kong muli ang t-shirt at saka inayos ang aking sarili. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Nadatnan ko roon si Tita Det na naghahanda ng almusal. Lumapit ako sa kanya at bumati.
"Good morning po, Tita Det."
Lumingon siya sa akin at nginitian ako ng matamis. "Good morning, Jhoana! Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Hindi ka ba namahay?"
"Hindi naman po, Tita. Maayos naman po ang tulog ko." Umupo ako sa high chair. Pinanood ko lang si Tita Det habang patuloy siya sa kanyang ginagawa. May pagkakatulad sila ni Mama. Kahit kasi meron kaming kasambahay ay mas gusto pa rin ni Mama na siya ang nagluluto para sa amin. Siguro ay ganoon rin si Tita Det.
"I'm cooking Isabel's favorite breakfast. Ikaw, may gusto ka bang kainin? Tell me and I'll cook it for you?"
"Okay lang po kahit ano. Hindi naman po ako mapili sa pagkain." Tumayo ako at lumapit kay Tita Det sa may counter. "Tulungan ko na po kayo, Tita. Para naman po may magawa ako."
"No, hija. I can handle this. Bisita ka namin dito. If you want, doon ka na lang muna sa room ni Isabel or bumalik ka muna sa guest room. Ipapatawag ko na lang kayong dalawa kay Manang pag tapos na akong magluto."
Ipinahanda nga pala ni Tita Det ang guest room kagabi para sa akin. But I ended up staying in Bea's room while cuddling with her the whole night. Hindi niya kasi ako pinaalis kagabi noong sinabi kong lilipat na ako sa guest room para matulog.