Chapter 24

16.5K 330 44
                                    

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na kami ni Beatriz sa loob ng bahay.

"Are you okay? Nakakunot yung noo mo, oh." Puna ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at marahan kong hinaplos 'yon.

"D-don't mind me. I'm alright, Jho." She smiled at me. Alam kong ngumiti lang siya para mapanatag ako.

Nakita kong sumilip si Janel mula sa kusina. Agad ko namang inakay si Beatriz papunta sa sala.

"Nandito ka na pala, Ate—oh, may kasama ka pala." Ngumiti si Jaja kay Beatriz. Ngiti na parang may ibang gustong ipahiwatig.

"Alam kong na-introduce na siya ni Mama sa'yo, but still, Beatriz, si Janel nga pala, kapatid ko."

"Hi, Ate Bea!" Agad na bati ni Jaja kay Beatriz.

Ngumiti naman ito at tumango.

"Hi, Ja."

"Naku! Kumain na ba kayo, Ate Bea? Gusto mo dito ka na lang mag-dinner? Sumabay ka na lang sa amin. Nagluto si Manang ng beef caldereta tapos may bine-bake rin akong cookies sa kusina." Masiglang sabi ng kapatid ko. Natawa na lang ako at napakamot naman sa batok si Beatriz. Feeling close naman kasi 'tong si Jaja.

"Mamaya ka na magdaldal, Ja. Tapusin mo muna yung ginagawa mo ro'n." Pinaupo ko muna si Beatriz sa couch.

"Okay. Sorry naman. Na-excite lang ako ng very light." Inakay ako sandali ni Jaja. Nakatalikod kaming dalawa kay Beatriz. "Bigay niya 'yang flowers at chocolates na hawak mo?" Itinuro niya ang bouquet at box na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.

Umiling ako. "Hindi. Galing 'to kay Ged. Inabutan namin siya kanina sa labas."

Napairap na lang si Jaja. Nainis ata matapos niyang marinig ang pangalan ni Ged.

"Oh, kunin mo." Ibinigay ko sa kanya ang mga hawak ko. "Ibigay mo na lang kay Manang yung bulaklak tapos yung chocolates kainin mo. Pwede mo rin itapon kung gusto mo."

Tumango na lang siya at ibinaba muna 'yon sa kalapit naming lamesa.

"May something ba kayo ni Ate Bea?"

Nanlaki ang aking mga mata. "Luh? Jaja naman! Kung anu-anong sinasabi mo." Ibinulong ko lamang iyon sa kanya para hindi marinig ni Beatriz. Saglit ko siyang nilingon at nakatingin lang siya sa amin. She smiled at me nang makita niyang lumingon ako sa kanya. Nginitian ko siya pabalik bago ako humarap ulit kay Jaja.

"Ja, umayos ka nga. Nakakahiya kay Beatriz." Ngumuso ako.

Hindi pa rin nawawala ang ngiting nakakaloko ni Jaja. Tumango lang siya ng ilang ulit bago nagsalitang muli. "Okay. Sabi ko nga, shut up na ako. Hahayaan ko na lang kayong maglandian—ay magkwentuhan pala. Balikan ko na yung binebake ko do'n sa kusina."

Ibang klase talaga 'tong kapatid ko. Narinig ko kaya yung sinabi niyang 'landian'. Wala na akong nagawa kung hindi mapailing na lamang.

"Sila Mama nasaan?"

"May pinuntahan lang sila. Umalis sila pagkarating ko galing school, eh. Pero dito raw sila magdi-dinner kaya hintayin daw natin sila makauwi." Pagkasabi niya noon ay pumunta na siya sa kusina. Muli akong lumingon kay Beatriz at lumapit sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na yung kapatid ko, ha. Malakas talaga topak no'n." Napakamot ako sa aking kilay. "Ewan ko ba kung saan pinaglihi ni Mama 'yon."

"It's okay. I find her funny naman, eh."

"So, mag-stay ka muna dito? Akyat lang ako, ha. I'll change my clothes. Sandali lang ako, promise."

"Sure. Take your time. I won't mind." Ayan na naman siya sa pagngiti niya. Ibang klase talaga ang epekto noon sa akin.

Begin AgainWhere stories live. Discover now