"Babe." Bungad ni Ysay nang pumasok siya sa kusina ng apartment ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang aking ginagawa. "Jho, what are you doing?"
"Uhm..." Sandali akong tumigil at nilingon siya. "Cooking? Hindi ba obvious?"
"Oh, come on." Naiiling na sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Alam kong nagluluto ka. But what I mean is, bakit hindi ka pa nag-aayos ng gamit mo? Rex will get mad at me pag nahuli kayo sa flight niyo."
Hinayaan ko lang siyang maglitanya at hindi na siya pinansin. Hinarap kong muli ang niluluto ko. Maya-maya pa ay lumabas na ng kusina si Ysay. Ngunit paglipas lang ng ilang minuto ay bumalik siya na nakasuot na ng apron. The next thing I knew, inagaw na niya sa akin ang hawak kong cream para sa pasta na niluluto ko. Napailing na lang ako at hinayaan siyang ituloy ang ginagawa kong pagluluto.
Ilang minuto pa akong nanatili sa tabi niya habang inilalagay niya ang noodles sa kumukulong tubig bago ko hinubad ang suot kong apron at saka inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Imbis na mag-ayos ako ng gamit ay naupo muna ako sa high chair. Sumandal ako ng maayos doon at saka pinanuod si Ysay na magluto.
"Sarapan mo 'yan, ah. Yung kasing sarap ng luto ko." Sabi ko. Ipinatong ko ang aking braso sa mesa at pumangalumbaba.
"Okay, I will. But please, umakyat ka na sa taas and start packing your stuff." Marahan niyang sabi nang hindi ako hinaharap.
"Mamaya na. Dito muna ako. Papanoorin kita magluto." Tugon ko.
Mabilis niyang ibinaba ang hawak niyang pot holder at saka lumapit sa akin. "Nope, you're not going to watch me cook, babe." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makababa sa upuan. Pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng kusina at naglakad papunta sa kwarto ko. "Come on. Pack your stuff now."
Kinuha niya ang maleta ko na nasa ibabaw ng couch at inilagay 'yon sa kama. Umupo ako at sumandal sa headboard habang inilalabas niya ang ilang mga damit ko mula sa closet.
"Do you want me to put it in your suitcase?" Tanong niya.
"Hindi na. I can manage." Umayos ako ng upo at sinimulan ng pumili sa mga damit na inilabas ni Ysay. "Pwede naman kasi mamaya gawin 'to. Konti lang naman ang dadalhin ko. May mga dating damit naman ako doon."
"Exactly. Dating damit. Dati na at hindi ka na sigurado kung okay pa ang mga 'yon." Muli niyang tinungo ang closet ko at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang ilan sa mga cardigan ko. Hindi ko naiwasang mapangiti. Nakakatuwang isipin na kabisado niya kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
"Ako na d'yan. Balikan mo na 'yung pasta sa kusina."
Binalingan ko ang orasan sa side table—6AM. I still have six hours before my flight.
"Ako na. I want to make sure na nakalabas na yung mga dadalhin mo para ilalagay mo na lang d'yan sa bag." Sagot niya habang patuloy na naghahanap sa drawer.
"You know what? You're spoiling me." Ngumuso ako. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yan, eh. Kaya ko naman ang sarili ko."
Nakangiti siyang bumaling sa akin. "You know how much I love spoiling you, right?" I nodded. "And para na rin mas ma-miss mo ako pag nasa Pilipinas ka na."
Matapos ihanda ni Ysay ang mga gamit ko ay bumaba na siya sa kusina. Naiwan akong mag-isa sa kwarto para ilagay sa maleta ang mga gamit ko. Agad rin naman akong sumunod sa kanya nang matapos kong ayusin ang mga 'yon. Pagpasok ko sa kusina ay tapos na siyang magluto at nagsisimula ng mag-ayos sa mesa.
"Are you done packing?" Tanong niya nang mapansin niya ang pagpasok ko.
"Yeah." I answered. Pagkatapos ay naupo na akong muli sa high chair. "I told you, sandali ko lang 'yon gagawin. Ayaw mo kasi maniwala sa akin."