Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Parang kailan lang ay pinoproblema ko kung paano ako makakaahon kay Ged. Parang kailan lang ay ipinakilala sa amin ni Marge si Beatriz. Parang kailan lang simula noong araw na sinagot ko siya.
Marami na ang nangyari sa loob ng halos isang taon. Tapos na ang construction ng resort ng mga De Leon sa Palawan at next month ay magbubukas na sila sa public. Naka-graduate na ng college si Jaja. Engaged na si Jia kay Miguel. And Beatriz is still the number one DJ in the country and currently number eight in the world.
"Uy, you're spacing out, Jho." Ate Mika cut my thoughts. Wednesday ngayon at magkasama kami. Papunta kami sa mall para bumili ng regalo ko kay Beatriz for our first anniversary. Wala kasi akong maisip na regalo para sa kanya kaya naisipan kong magpatulong kay Ate Mika.
"Sorry, Ate Ye. May mga iniisip lang. Tapos si Beatriz hindi pa nagtetext simula kaninang tanghali."
"Baka may meeting sila ni Kianns with the California management."
Sandali akong natigilan at napatingin kay Ate Mika. "California management?"
She frowned. "Wait. Don't tell me walang sinabi si Bei-Bei sa'yo? Last month pa 'to nabanggit ni Kianns sa akin. After kasi ma-released yung official list ng Top 100 DJanes in the world, nag-reached out kay Kianna yung Interscope Records. Gusto nilang sila ang mag-handle ng international career ni Bei-Bei."
Nagulat ako sa mga narinig ko. Wala siyang sinabi sa akin. Bea opened up this topic to me on our first month pero hindi ko alam na magkakatotoo nga ang mga sinabi niyang 'yon. Ang alam ko lang ay matagal na niyang pangarap na maging artist ng management na 'yon.
"Seryoso ba talaga na hindi mo alam ang tungkol doon?" Ate Mika asked.
Dahan-dahan akong umiling. She sighed.
"Sorry. I thought nasabi niya sa'yo. Sa pagkakaalam ko kasi first week next month na yung contract signing niya with the management kaya aalis siya papuntang Santa Monica by the end of this month."
"H-huh? A-ano?"
Huminto si Ate Mika sa pagmamaneho. Ngayon ko lang namalayan na nasa parking lot na pala kami ng Megamall. Bumaling siya sa akin at tinignan ako ng may halong pagtataka.
"I think, you guys need to talk."
Lutang na lutang ako habang nag-iikot kami sa mall. Sa loob ng isang oras na paghahanap namin ng regalo ay wala man lang akong napili. Gustong-gusto kong tawagan si Beatriz para tanungin siya tungkol sa bagay na 'yon pero hindi ko ginawa. Mas gusto kong pag-usapan namin 'yon ng personal.
"Okay ka lang, Ate?" Tanong ni Jaja nang makita niya ako sa sala. Kadarating ko lang sa bahay at dito ako dumiretso. "Tulala ka."
Pinilit kong ngumiti. "Ah, o-oo. Okay lang ako."
"Sigurado ka ba?" Tanong niya. "Para kasing lutang ka."
Sa ibang pagkakataon ay gugustuhin kong magkwento sa kapatid ko pero hindi ngayon. Hangga't hindi kami nagkakausap ni Beatriz ay hindi ko muna ito sasabihin sa iba.
Nagpaalam ako kay Jaja na aakyat na ako sa taas. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Inabot ako ng mahigit isang oras sa loob dahil na rin sa pag-iisip.
Paglabas ko ng banyo ay saktong nagtext sa akin si Beatriz. My heart skipped a beat because of the anticipation.
From: Beatriz De Leon
Love, punta ako sa bahay niyo. I'm on my way na. I miss you.
Nagreply agad ako..
To: Beatriz De Leon
Alright. Ingat sa pag-drive, okay? I miss you too.
Pagdating niya sa bahay ay nagmerienda muna kami. Nag-bake kasi si Jaja ng cake at 'yon ang inihain niya sa amin. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ay bumalik sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Mika kanina. Lumunok ako bago nagtanong sa kanya.
"Bakit wala kang paramdam kaninang tanghali?"
She smiled. "I'm on a meeting earlier."
"Meeting?" Tanong ko kahit kinakabahan ako sa pwede niyang isagot. Natatakot ako sa pwede kong marinig.
Hindi siya agad sumagot. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin at ngumiti. "About my contract."
"Contract? A-anong contract?"
"For Interscope Records." Mahina niyang sagot.
Umiwas ako ng tingin. Parang nanlalambot ako sa isinagot niya sa akin.
Lumunok ako ng ilang beses bago muling nagsalita.
"You're going to California?"
Yumuko siya at umiwas ng tingin. "Kianna wants me to meet the bosses. Bibisitahin ko na rin yung relatives ko sa San Francisco."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Matatagalan ka ba ro'n?"
"I'm not sure."
Pumikit ako ng mariin. "Kailan ang flight mo?"
"End of the month pa naman, Love—"
"S-so tama pala ang sinabi sa akin ni Ate Ye." Pinilit kong ipakita na okay lang ako kahit sa totoo lang ay hindi.
"I'm sorry, hindi ko sinabi sa'yo agad." She sighed. "I was planning to go there para personal na tumanggi sa contract na ino-offer nila but Kianns talked to me about it. She told me to give it a try kasi sayang daw yung opportunity. Pero umapela ako sa kanya." She paused for a moment then looked at me.
"I told her that I want to stay here. Na okay na ako sa kung anong meron ako dito." Ngumiti siya ng mapakla. "You know I would always choose you over anything else, right?"
Wala siyang reaksyon na nakuha mula sa akin. Masyado akong nagulat sa mga nangyayari at hindi ko ma-absorb 'yon sa isip ko. Sobrang bigat sa pakiramdam.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Just tell me what you want, Love. I won't leave if you don't want me to."