Sumandal ako sa headboard matapos ang pag-uusap namin ni Maddie. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata bago ko kinuhang muli ang cellphone ko at hinintay ang chat ni Jho.
I don't have time for comparison. Hindi ko dapat makita ang girlfriend ko kay Maddie. It's unnecessary. One more thing, hindi ko dapat sila ipagkumpara. Mads is just a new found friend here in Santa Monica while Jhoana is my girlfriend—she is my everything. Malaki ang pinagkaiba noon.
After a month, naging successful ang release ng collaboration na ginawa ko. Nagkaroon ng party sa kagustuhan ni Therese at halos lahat ng music staff ay lasing na lasing. Iilan lang kaming natirang maayos pa. I was chatting with Jho while waiting for the others to passed out.
From: Jhoana Louisse
Don't drink too much, please. Walang mag-ddrive for you.
To: Jhoana Louisse
Yes, love. Don't worry. Okay pa ako.
From: Jhoana Louisse
Who's with you?
To: Jhoana Louisse
I'm with the music team and Trey. Ponggay's here too.
From: Jhoana Louisse
Kayo-kayo lang? Walang ibang babae?
I can't help but smile after I read her reply. I really love the possessive Jhoana.
To: Jhoana Louisse
Meron. Friend ni Therese.
Kinalabit ako ng isa sa mga kasama naming music staff at nginuso sila Therese, Ponggay at Mads na ngayon ay bagsak na. Napailing na lang ako sa itsura nila. Nakasandal si Trey sa couch habang nakahiga sa lap niya si Ponggay. Si Mads naman ay nakasubsob na sa mesa at gulo-gulo ang buhok. "Can you bring them home?"
"Yeah."
"Do you need help?"
"Nah. I can manage." Simple kong sagot. Isa-isa ko silang itinayo at inalalayan papunta sa sasakyan ko.
Si Ponggay ay nagsasalitang mag-isa at kung anu-ano ang sinasabi. Si Mads at Therese ay inabot na nang pagsuka sa parking lot. Sa apartment ko sila inuwi dahil mas malapit 'yon sa bar kung nasaan kami.
Kinabukasan ay nauna akong magising. I prepared breakfast for them. Nang matapos akong maghain ay siya namang pagpasok ni Trey sa kitchen.
Umupo siya sa high chair habang hinihilot ang kaniyang sentido. "Sorry about last night, Bei. Naparami kami ng inom. Wala naman siguro kaming ginawa na kalokohan, 'no?"
Ngumisi lang ako at inabutan siya ng tubig. Bukod sa pagsuka nila ay wala naman silang ginawang kalokohan.
"Putangina." Napalingon kaming parehas kay Ponggay. "Parang minamartilyo ang ulo ko."
Natawa ako at napailing naman si Therese.
"Inom pa." Sabi ni Trey bago inabot sa kapatid ang natira niyang tubig.
Habang kumakain sila ay umakyat ako sa taas para kumuha ng mga lumang damit ni Jho sa closet. Ipapahiram ko 'yon sa kanila para makapaglinis sila ng katawan. Hindi ko na kasi sila nagawang palitan ng damit kagabi dahil nakaramdam na rin ako ng antok.